|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bishop Mylo Vergara ng Pasig, mamumuno sa send-off Mass
ANG Obispo ng Pasig, si Bishop Mylo Hubert C. Vergara ang mamumumo sa isang send-off Mass para sa mga kinatawan ng Pasig sa 27th World Youth Day celebration sa Rio de Janeiro, Brazil ngayong Hulyo.
Pinangangasiwaan ni Pasig Diocesan Youth Ministry ang send-off Mass na ipagdiriwang sa Immaculate Conception Cathedral sa Sabado ganap na ika-anim ng gabi. May 500 mga kabataan mula sa iba't ibang parokya ang dadalo sa pagdiriwang.
Ang World Youth Day ay itinuturing na pilgrimage of Faith at isang magandang karanasan ng pagbabago at pakikipagkasundo. Sa ganitong pagkakataon, nananalangin ang lahat para sa mga lalahok sa pagtitipon.
Pipitong kabataan ang magmumula sa Diocese of Pasig na lalaholk sa official delegation ng Diocese of Cubao. Mayroon ding magtutungo sa pagtitipon bilang mga indibiduwal.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |