Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SHADOWS OF LOVE

(GMT+08:00) 2013-06-26 18:55:26       CRI

Producer: Stanley Kwan Kam-Pang, Allen Tan

Director: Calvin Poon

Writer: Calvin Poon, Wendy Qin

Cast: Cecilia Cheung (Paris / Qin Xin) , Kwon Sang-Woo (Kwon Jung Hoon), Jing Tian (Pinsan ni Paris), Sphinx Ting ( Dance Instructor), Cheng Tai-Shen (Uncle Dong), Richard Ng (Butler) Angela Chang (Lola ni Qin Xin), Jing Boran (Lolo ni Qin Xin), Gong Hai-Ming, Lu Yuan,Tien Niu

Sina Kwon Jung Hoon at Qin Xin

KWENTO

Si Paris at si Kwon Jung Hoon ay mga executives sa isang malaking kumpanya. Naaksidente si Paris habang nasa Korea at kapag di-nakabalik sa Tsina, tiyak mawawala ang lahat ng pinaghirapan ng tatay niya sa kasosyo nitong si Uncle Dong.

Nakaratay at may sakit ang ama ni Paris at ang pagpapatakbo ng kumpanya ay nakasalalay kina Paris at Kwon.

Gipit at nalilito di alam ni Kwon ang gagawin para maisalba ang kumpanya habang nawawala si Paris. Nagkataong nakita ni Kwon si Qin Xin na kamukhang kamukha naman ni Paris. Napapayag niya si Qin Xin na magpanggap bilang Paris at tinuruan siya para kumilos, magsalita at mag-isip tulad ni Paris. At sa proseso na in love si Kwon kay Qin Xin.

Love Story di maitatanggi ang Shadows of Love. Actually dalawang love stories ang nakita sa pelikula. Nakita rin sa tulong mga mga flashbacks ang love story ng lolo at lola ni Qin Xin noong panahon ng gyera.

PAGTALAKAY

Walang bago sa istorya ng pelikula ito'y tipikal na rich boy meets poor girl story. Kung twist ang pag-uusapan wala namang malaking surpesa dahil halatang happy ending ang pelikula. Kung acting ang pag-uusapan dinala ni Cecilia Cheung ang pelikula dahil sa dual role nito bilang Paris at Qin Xin. Di naman mabibigo ang mga fans ng Korean actor na si Kwon Sang-Woo dahil andun pa rin ang malalagkit niyang mga tingin at swabeng-swabeng ang pagganap niya bilang leading man. Dahil dubbed ang mga dialogue minsan di mo talaga mahuli ang tunay na emosyon ni Kwon, sayang talaga.

Rating: Machelle 8 / Andrea 8.5

1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>