Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bureau of Immigration, may bagong visa sticker para sa mga turista

(GMT+08:00) 2013-07-01 18:02:23       CRI

Bureau of Immigration, may bagong visa sticker para sa mga turista

GUMAGAMIT na ng bagong sticker ang Bureau of Immigration para sa mga pasaporte ng mga aplikante para sa visa extension upang maiwasan ang paglaganap ng palsipikadong stamps na nakakabiktima ng maraming mga banyaga sa nakalipas na panahon.

Sinabi ni Commissioner Ricardo David, Jr. na ang sticker ang ipinalit sa basang selyo (wet stamps) na ginagamit ng kagawaran sa pagbibigay ng visa extensions sa mga banyaga upang magtagal sila sa Pilipinas. Sinimulang gamitin ang sticker para sa visa extension applicants mula noong Lunes, ika-17 ng Hunyo.

Ang machine-generated sticker ay may security at tracking features na hindi makokopya o magagawa ng mga sindikato.

Sa paraang ito, mapapabilis ang transaksyon sa visa section ng kagawaran at mapapabilis din ang paghahanap ng records at makikilala ang palsipikadong mga dokumento.

Ipinaliwanag ni Commission David na hindi lamang mga banyaga ang nabiktima ng illegal na gawaing ito kungdi pati ang pamahalaan na nawalan ng mas malaking kita. Gumagamit ng mga pekeng stamps ang mga fixer upang makaiwas sa pagbabayad ng immigration fees at naibubulsa ang salaping para sana sa pamahalaan.

1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>