Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

LOVE

(GMT+08:00) 2013-07-02 10:49:59       CRI

Pelikula ni Doze Niu ang LOVE at ito ay ipinalabas noong 2012. Pinagbibidahan ito ng mga artista mula sa mainland at Taiwan. Kabilang sa female leads sina Zhao Wei, Shu Qi, Amber Kuo at Ivy Chen.

Ang mga lalaking bida ay kinabibilangan naman nina Doze Niu, Ethan Ruan, Mark Chao at Eddie Peng. Unang ipinalabas ang Love sa 62nd Berlin International Film Festival. Ito ay tungkol sa 8 tao at ang kwento ng kani-kanilang pag-ibig.

Ang screenwriters ng pelikula ay sina Doze Niu, Li-Ting Tseng at Wang Qian. Si Doze Niu rin ang direktor ng pelikulang Monga, isang gangster film.

Sina Shu Qi (IF YOU ARE THE ONE, THE TRANSPORTER) and Zhao Wei (RED CLIFF, 14 BLADES) ang dalawa sa pinakasikat na artista sa Asya. At pareho nilang mahusay na ginampanan ang kanilang mga papel sa pelikula.

Sina Ethan Ruan and Mark Chao (MONGA), Eddie Peng and Ivy Chen (HEAR ME) at Amber Kuo (AU REVOIR TAIPEI) ay mas nakababata pero di naman ibig sabihin na matatawaran ang kanilang naging kontribusyon sa pelikula.

LOVE STORY # 1

Si Zoe Fang (Shu Qi) at Uncle Lu (Doze Niu) ay may May-December affair. Mayaman at may edad na si Unlce Lu at materyosa naman si Zoe Fang. Nakilala ni Zoe Fang si Kuan (Ethan Ruan) nang tulungan nya ito minsan. Naging magkaibigan ang dalawa. Simpleng tao si Kuan pero busilak ang kalooban. Responsable at masipag sa trabaho. Di naglaon nahulog ang loob ni Zoe Fang sa binata pero dapat niyang iwan ang kumportable at marangyang buhay kasama si Uncle Lu.

LOVE STORY # 2

Malapit na mag syota sina Kai (Eddie Peng) Ni ( Amber Kuo) at bestfriend nila si Li Yidia (Ivy Chen). Kaso dahil sa one night stand, nabuntis ni Kai si Li Yidia. Paano na ngayon ang relasyon ng tatlo?

LOVE STORY # 3

Si Xiao-Ye Jin (Zhao Wei) ay single parent at ahente ng bahay at lupa. Nakilala nya si Mark (Mark Chao) isang mayamang negosyante, binata at medyo maselan sa dumi o may pagka OC. Dahil magkaiba ng mundo di sila agad nagkasundo. Pero pilit pinaglapit ng pagkakataon at sa tulong na rin ng isang makulit na pulis (Wang Jingchun) naudyukang punan ni Mark ang papel ng daddy na natagal nang hinihintay ng anak ni Xiao Ye Jin.

Ang Love ay parang isang napakatamis na panghimagas, overflowing with sweetness. Kung baga ang bawat sangkap nito ay talagang para sa mga mahihilig sa eye candy ibig sabihin charming cast at kwentong nakakakilig. Kung all out romantic ka, talagang magugustuhan mo ang pelikula. Pero kung di ka naman mahilig sa love story malamang corny ang dating ng bawat istorya. Kaya mag eenjoy ang isang manonood depende kung gaano sya ka-in the mood for love.

RATING: Machelle 9.5 / Andrea 9

Film Festivals na sinalihan:

62nd Berlin International Film Festival - Panorama - International Premiere

7th Osaka Asian Film Festival - Special Screenings

14th Udine Far East Film - Italian Premiere

14th Taipei Film Festival

Sina Zoe Fang (Shu Qi) at Uncle Lu (Doze Niu)

Sina Zoe Fang at Kuan (Ethan Ruan)

Si Kuan

1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>