Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, nangungunang bansa sa Asia sa mga migranteng nasa ibang bansa

(GMT+08:00) 2013-07-09 18:33:03       CRI

PUMAPANGALAWA ang Pilipinas sa Mexico sa pinakamaraming mamamayang naninirahan sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ayon sa ulat ng International Organization for Migration, umabot sa 10, 455, 788 ang mga Pilipinong nasa ibang bansa at pangatlo naman sa pinakamaraming salaping naipadala sa kanilang bansa.

SA kanilang kauna-unahang Country Migration Report for the Philippines, nabunyag ang mga nakalipas at pangkasalukuyang trend sa mga bansang kinikilalang migratory countries.

Apat na dekada ang binalikan ng IOM bago inilabas ang pagsusuri. Nadoble halos ang mga overseas Filipinos sa nakalipas na sampung taon. Ang taong 2012 ang pinakamataaas. Napuna ang pinakamataas noong 2012 sapagkat nalampasan ang 1,850,463. Tumaas din ang bilang ng mga rehire at nagkaroon ng 63%. Ang mga magdaragat ay tumaas din ng 75% sa nakalipas na sampung taon. Ang pinakamabilis na pagdami ng mga seafarer ay napuna noong 2008. May dagdag na 100,000 ang naglayag sa karagatan.

Na sa pagitan ng 25 hanggang 44 na taong gulang ang mga Pilipinong nasa ibang bansa at hamak na marami ang kababaihan sa bilang ng lumalabas taun-taon. May 60% ng mga migrants ang bata pa. Ang mga OFW na higit na sa 40 taong gulang ay pawangkalalakihan.

Sa ulat ng may 1,300 recruitment agencies, karamihan sa mga manggagawang inilalabas patungo sa ibang bansa ay dumaraan sa mga ahensya. Ang mga OFW na nasa pagitan ng 85 hanggang 95% at dumaan sa mga recruitment agencies. Limitado ang recruitment sa pagitan ng mga pamahalaan at mga manggagawa. Kung susuriin, tanging ang Republika ng Korea at Saudia Arabia ang may government-to-government arrangements sa Pilipinas.

Walong milyong OFWs ang lumahok sa overseas employment program ng pamahalaan na nagsimula noong 1970s. Karamihan sa kanila ay nakinabang sa pananalapi at nagkaroon ng positibong karanasan. Marami rin sa kanila ang naghirap, sumugal at nasapanganib, lalo na ang mga kababaihang kasambahay at iba pang less-skilled jobs. Isinulong din ng pamahalaan ang mga mekanismo upang magkaroon ng kaukulang proteksyon.

Umaalis sila ng bansa para sa kanilang pamilya at ang pamilya rin ang direct benediciaries. Sa ulat na may 291 pahina, may kaukulang mga rekomendasyon tulad ng pagtutuon sa pambansang kaunlaran upang ang pangingibang bansa ay pagpipilian na lamang sa halip na maging no-choice necessity. Kabilang din sa rekomendasyon ang pagkakaroon ng migration at development lens sa local government level upang makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang tinitirhang mga komunidad, atbp.

Kasama sa mga gumawa ng ulat ang Scalabrini Migration Center sa pakikipagtulungan sa mga tanggapan ng DoLE, Philippine Overseas Employment Administration at tinustusan ng IOM Development Fund.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>