Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

KORA

(GMT+08:00) 2013-07-10 10:49:44       CRI

Ang Tibet ay isang maganda at mahiwagang lugar, at ang pelikulang tatalakayin ng mga movie buddies ng Serbisyo Filipino ay pinamagatang "Kora."

Ang "Kora" ay batay sa nobelang isinulat ni Xie Wanglin, isang Taiwanes. Ang kuwentong ito ay tunay na karanasan ni Xie. Ito ay isang kuwento hinggil sa paglalakbay at "inner growth" niya.

Sa sine si Shu Hao ay isang 24 taong gulang na lalaki mula sa Taiwan. Namatay ang kuya niya, at nadiskubre ni Shu Hao na isa sa mga balak ng kuya ay magbisikleta papunta sa Lhasa, Tibet. Kaya, nagpasya ni Shu Hao na tupdin ang pangarap ng kuya niya.

Mahirap ang paglalakbay na ito para kay Shuhao, pero, napawi niya ang mga kahirapan, dumating siya sa Lhasa, at natuklasan rin ang bagong katuturan ng kanyang buhay.

Ang pelikulang "Kora" ay dinirehe ni Du Zhiyi, mula sa Shanghai. At si Lin Shuhao, na mula sa Taiwan, ang gumanap bilang Shu Hao sa pelikula. Kasama rin sa pelikula ang pro cyclist na si Li Xiaochuan.

Ang "Kora" ang kauna-unahang pelikula ni Du Zhiyi bilang direktor. Pero, matagumpay ito. Sa 24th Tokyo International Film Festival noong 2011, nakuha ng pelikulang ito ang Best Artistic Contribution Award, kasabay ng tagumpay ng "Kora", naging kilala si Du Zhiyi.

Ipinakita sa pelikula ang magandang tanawin sa Tibet tulad ng Meili Snow Mountain, Tiger Leaping Gorge at ang mga pamayanan sa Tibet na talaga namang walang kaparis sa mundo pagdating sa kultura at pamumuhay.

Ang relihiyon sa Tibet ay "Tibetan Buddhism", isang branch ng Buddhism. Ang salitang "Kora" ay Sanskrit, isang wika ng India. Ito ay isang seremoniyang panrelihiyon ng mga Tibetans. Sa relihiyon ng Tibet, ang mga snowmountains ay itinuturing na banal o "holy". Bawat taon, ang mga Tibetans ay pumupunta sa Meili Snow Mountain para sa pilgrimage, sila ay naglalakad sa bundok, at ang pilgrimage na ito ito ay tinatawag na "Kora".

Ayon sa paniniwala ng Budismo ang Kora ay makakatulong para mawala ang lahat ng kasalanan sa lahat ng buhay ng isang nilalang. Sa Ingles, ito'y "circumambulation of a sacred site within the context of pilgrimage and meditation."

Para kay Shu Hao, ang paglalakbay sa Tibet sakay ng bisikleta ay isang adventure, totoong mapanganib ito. Inspirasyon ni Shu Hao ang namatay na kuya sa paglalakbay. Pero, nang malagpasan ang lahat ng kahirapan, natuklasan ni Shu Hao na mas naging malakas ang kanyang loob, at natuklasan rin niya ang bagong pagkaunawa sa buhay. Kasabay ng katuparan ng pangarap ng kanyang kuya, nadiskubre rin ni Shu Hao ang sariling inner strength.

Ipinakita rin nito na isang paraan para maibsan ang sakit matapos pumanaw ang isang mahal sa buhay. Minsan isang paraan ang pagdanas ng physical pain o pisikal na sakit para gamutin at pawiin ang sakit ng kalooban. Sa kaso ni Shu Hao ang ang pagbibisikleta ang kanyang naging Kora para makuha ang lakas para tanggapin na wala na ang kanyang mahal na kuya.

Isang mensahe ng pelikula: Ang mga tao ay tiyak na nakakaranas ng maraming kahirapan sa pamumuhay, ito ay problema pero ito rin ay isang regalo. Kung kayang malagpasan ang mga pagsubok na ito, magiging mas malakas ang isang tao.

RATING : Andrea 9 / Sarah 9 / Machelle 8

Pasok sa Movie Buddy

1 2 3 4 5
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>