|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, dahilan ng human-trafficking sa Eastern Samar

KAHIRAPAN AT KAWALAN NG HANAPBUHAY ANG DAHILAN NG HUMAN TRAFFICKING. Sinabi ni Borongan Bishop Crispin Varquez na sa kahirapan at kawalan ng pagkakakitaan, nakukumbinse ng illegal recruiters ang kanilang mga kababayan. (Larawan ni Roy Lagarde)
SA likod ng 7.8% growth ng Gross Domestic Product ng Pilipinas, isang obispo ang nagsabing ang kahirapan at kawalan ng hanapbuhay ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng human trafficking sa Silangang Samar.
Ayon kay Bishop Crispin Varquez, ang human trafficking ay madaling nakakakumbinse ng mga biktima sa pag-asang makakaahon sila sa kahirapan na hindi magaganap sa lalawigan.
Marami sa mga nabibiktima ang walang kamalay-malay sa trabahong papasukin sa ibang lugar.
Ayon sa obispo, sa kanilang kahirapan at kawalan ng hanapbuhay, madali silang maniwala sa mga pangako ng illegal recruiters. Kumikilos na ang kanyang tanggapan upang manawagan sa madla na huwag padadala sa mga pangako ng illegal recruiters.
Naglaan na ang pamahalaan ng Estados Unidos ng P 3.8 milyon para sa isang NGO sa Maynila, ang Philippines Against Child Trafficking upang mapigilan ang child trafficking sa 13 bayan ng Eastern Samar.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |