Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

HAPPY TOGETHER

(GMT+08:00) 2013-07-17 17:27:45       CRI

Ngayong taon mega hit ang pelikulang The Grandmaster at ito ay isa sa mga obra ng respetado at kilalang direktor na si Wong Kar Wai.

Para sa linggong ito napili ng mga moviebuddy ang isa sa kanyang lumang pelikula.

Ito ang Happy Together. Si Wong Kar-wai ang Producer / Director at Writer ng pelikula. At ang Director of Photography ay si Christopher Doyle

Kasama sa cast sina Leslie Cheung, Tony Leung at Chang Chen

Ito ang pelikulang nagpanalo kay Wong Kar-wai ng bilang Best Director sa 1997 Cannes Film Festival. Siya ang kauna-unahang direktor na Tsino na nanalo sa prestiyosong Cannes Film Festival.

Andrea: Bukod sa Cannes, panalo rin ang Happy Together sa:

1997 Annual Hong Kong Film Awards • Winner - Best Actor (Tony Leung Chiu-Wai)

1997 Golden Horse Awards • Winner - Best Cinematography (Christopher Doyle)

1998 Arizona International Film Festival • Winner: Audience Award – Most Popular Foreign Film

Ang pamagat ng pelikula ay Happy Together, pero ang pelikula ay tungkol sa mga taong malungkot at tila walang kabuluhan ang buhay. May tatlong dahilan kung bakit malungkot ang mga karakter sa pelikula. Una dahil sa di magandang lagay ng personal na relasyon sa nobyo. Ikalawa dahil malayo sa sariling bayan ang mga bida at panghuli dahil mismo sa kawalan ng direksyon ng buhay.

Alin sa tatlong ito ang maituturing na pinaka matinding sanhi ng kalungkutan.

Sabi ni Wong Kar-wai ang Happy Together ay hindi isang gay movie. Ito ay isang universal love story. Pwedeng mangyari ang sitwasyong ito sa pagitan ng dalawang normal na tao. Nagkataon sa pelikula dalawang bading ang ipinakita.

Ang karakter ni Ho Po Wing – papel ni Leslie Cheung ay bading na may destructive personality. Hindi rin siya monogamous. Hindi mo siya pwedeng itali sa isang lugar dahil nasasakal siya. Samantala ang karakter na si Lai Yiu Fai – papel ni Tony Leung ay mas stable, masigasig at pilit na tinutupad ang kanyang target.

Trivia: Ibang script ang ipinakita ni Wong Kar-wai kay Tony Leung dahil ayaw nitong gumanap sa papel na bading. Pagdating sa Argentina, wala silang script na sinundan at ibang iba ang storyline na mga eksenang kinunan nila. At ang unang eksena na kinunan ay ang mainit na love scene na makikita sa pelikula.

Marami ang nagsasabi na extremes ang reaction sa mga pelikula ni Wong Kar-wai. Kapag gusto, talagang nagugustuhan ito ng fans. Pero kung ayaw, di talaga mababago ito at di talaga makakarelate sa istilo at laman ng kanyang mga pelikula. Hindi rin maikakaila na isa si Wong sa mga iniidolong direktor sa buong mundo. Mahaba ang talaan ng mga gawad na tinanggap ng Hong Kong Direktor mula sa ibat ibang intl film festivals, mga pamahalaan at prestiyosong film institutions sa Amerika, Europa at Asya. Di lang basta direktor ang taguri kay Wong Kar-wai, siya ay isang auteur na may di malilimutang mga arthouse films na tiyak ay laman ng mga textbooks at kurso sa maraming mga film schools sa buong mundo.

RATING : Machelle 8.5 / Andrea 8

Sina Ho Po Wing at Lai Yiu Fai

1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>