Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Delegasyon mula sa Guangxi, dumalaw kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay

(GMT+08:00) 2013-07-18 18:06:07       CRI

Delegasyon mula sa Guangxi, dumalaw kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay

DUMALAW kaninang umaga si Governor Chen Wu ng Guangxi Zhuang Autonomous Region kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace sa Lungsod ng Pasay.

Sinamahan sila ni Chinese Ambassador to Manila Ma Keqing sa pagdalaw. Nasa Maynila sila upang anyayahan ang mga Pilipinong dumalo sa 10th China-ASEAN Expo na nakatakdang gawin sa Guangxi mula sa ikatlo hanggang sa ika-anim ng Setyembre.

Dumalaw din sila upang isulong ang kalakalan sa pag-itan ng dalawang bansa.

Mga Koreanong mangangalakal, nasa Pilipinas

KOREANONG MANGANGALAKAL NA SA PILIPINAS.  Nakipag-usap ang mga negosyanteng Koreano sa mga Pilipinong mangangalakal ngayon upang magnegosyo.  Ayon kay Thomas T. Y. Shinn, Chairman at CEO ng Korea Importers Association, interesado silang bumili ng kape at cacao at iba pang organic products.  (Larawan ni Melo Acuna)

UMAASANG makabibili ng mga produktong Pilipino ang mga mangangalakal na Koreanong dumadalaw sa Pilipinas ngayon sa ilalim Korean Importers Association, ang samahan ng mga mangangalakal na binuo noon pang 1970.

Sa panayam kay Thomas T. Y. Shinn, Chairman at Chief Executive Officer ng samahan, umaasa silang makakapagkalakal sa Pilipinas sapagkat maraming Pilipino ang matatas sa wikang Ingles at mainit na tinatanggap ang mga mangangalakal sa bansa.

Sa ngayon ay mayroong $ 5 bilyong trade surplus ang Korea sa Pilipinas kaya't layunin nilang makapamili ng mga produktong mula sa bansa tulad ng kape at cacao. Pinag-iisapan din nila ang maglagak ng kalakal sa Pilipinas.

Ipinaliwanag niyang sa pagdalaw ng KOIMA sa Ha Noi noong nakalipas na taon, napagkasunduan na maglagak ng $ 1 bilyong investment ang telecommunication giant na Samsung sa Vietnam. May hanggang 200 mga small and medium companies ang susunod sa Samsung na tiyak na makakakuha ng maraming mga manggagawa.

Ani G. Shinn, magkakaroon din ng $ 7 bilyong investments ang Samsung sa Tsina sa msa susunod na buwan.

Isang mahalagang dahilan ng desisyon ng Samsung na magnegosyo sa Vietnam ay dahilan sa mababang pasahod.

Isang dahilan pa rin kung bakit nagdadalawang-isip ang mga banyagang magkalakal sa Pilipinas ay ang probisyon sa Saligang Batas na naglalaan ng 60-40 Filipino-Foreign ownership ng mga kumpanya.

Ani G. Shinn, kung sakaling mabago ang ilang probisyon sa Saligang Batas, baka sakaling mas maraming makipagkalakal sa Pilipinas.

Samantala, interesado sila sa kalakal sa pagkain at pagsasaka, partikular sa organic products. Pinag-aaralan nilang magkalakal sa Luzon sapagkat malayo na para sa mga Koreano ang Kabisayaan at Mindanao.

Malaking bahagi ng budget para sa 2014 para sa Edukasyon at Pagawaing-Bayan

BILANG pagpapakita ng katapatan sa pangakong ihahatid ang kaunlaran sa bansa, ipinag-utos ni Pangulong Aquino na bigyan ng malaking budget ang Kagawaran ng Edukasyon na nagkakahalaga ng P 336.9 bilyon at Kagawaran ng Pagawaing Bayan ng P 213.5 bilyon.

Ayon kay Budget and Management Secretary Florencio Abad, matutugunan ng budget na ito ang pangangailangan ng lipunan at matiyak na sisigla ang kaunlaran.

May 44.6 bilyon para sa maintenance ng basic educational facilities at pagsasaayos ng mga silid-aralan, palikuran at mga upuan. Mas mataas ito ng 77% sa 2013 allocation na P25.3 bilyon.

Mayroon ding inilaang P 83 bilyon para sa mga kailangan sa pagtuturo tulad ng mga aklat at kagamitan sa agham at matematika.

Mayroong P 137.7 bilyon para sa Transport Infrastructure Program na kinabibilangan ng rehabilitasyon, paggawa at pagpapanatili ng mga lansangang pambansa, pagtatayo ng mga flyover at paggawa ng mga bagong tulay. Inilaan din ang P 33.4 bilyon para sa flood control projects sa buong bansa at P 14.2 bilyon para sa Tourism Development Program.

Pangatlong kagawarang tatanggap ng pinakamalaking alokasyon ay ang Department of Interior and Local Government na nagkakahalga ng P 135.4 bilyon. May inilaang P 1.55 bilyon para sa Payapa at Masaganang Pamayanan Program sa buong bansa.

Pang-apat naman ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na mayroong P 123.1 bilyon. May P 5 bilyon para sa armed forces modernization.

Mayor Joseph Estrada, nakipag-usap sa mga trucker

MAYOR ESTRADA, NAKIPAG-USAP SA TRUCKERS.  Inanyayahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga trucker na nagbarikada sa Bonifacio Drive, Intramuros, Manila bilang protesta sa programa ng Department of Public Works and Highways.  Ipararating ng dating pangulo ang hinaing ng mga trucker sa kinauukulan.

MATAPOS magbarikada ang mga trucker sa harap ng Department of Public Works and Highways sa Bonifacio Drive, Intramuros, Maynila kaninang umaga bilang protesta sa overloading at weighing procedures na ipinatutupad ng kagarawan sa ilalim ni Kalihim Rogelio Singson, kinausap ni dating Pangulo at ngayo'y Manila City Mayor Joseph Estrada ang mga trucker na pinamunuan ng isang Mary Zapata.

Naging dahilan ng matinding trapiko ang ginawang pagpoprotesta ng mga may truck na nagdadala ng mga container vans sa mga daungan sa Maynila. Ipararating ni City Mayor Estrada ang hinanging ng mga trucker sa kinauukulan.

Mga Obispo ng Asia, magtitipon sa Thailand

DADALO ang isang kardinal at 17 mga obispo sa isang linggong seminar hinggil sa pastoral leadership at pag-usapan ang kanilang mga papel sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Binuo ng Central Secretariat ng Federation of Asian Bishops Conferences, ang seminar ay nagsimula noong Lunes (July 15) at tatagal hanggang sa Sabado, ika-20 ng Hulyo.

Kabilang sa mga magsasalita si Msgr. Pedro C. Quitorio, media director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paksang paggamit ng new media sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Tatalakayin niya ang pag-unawa sa paggalaw ng media at paggamit ng communication skills bilang tugon sa bagong ebanghelisasyon.

Susuriin niya ang tindi ng social media at internet sa lipunan at kung paano magagamit ang digital media sa pagpaparating ng Mabuting Balita.

Kabilang sa magsasalita si Mumbai Archbishop Oswald Cardinal Gracias, president ng Catholic Bishops Conference of India at ng FABC, Daet Bishop Gilbert Garcera, ang program coordinator at ilan pang mga dalubhasa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>