|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Board of Investments isusulong ang 2013 Investments Priorities Plan kay Pangulong Aquino
IBIBIGAY ng Board of Investments ang kanilang panukalang 2013 Investment Priorities Plan kay Pangulong Aquino. Ang BOI ang namumuno sa inter-agency efforts na gumawa ng IPP na siyang blueprint para sa investment promotions and paraan upang makakuha ng mga investment na magkakaroon ng magandang benepisyo sa kanayunan at makapagbigay ng hanapbuhay.
Nagsagawa ng sabay na mga konsultasyon sa Angeles, Maynila Cebu at Davao cities. Dinaluhan ito ng mga kinatawah ng mga pamahalaang lokal, mga NGO at consumer organizations.
Sa talaan ng panukalang palatuntunan, kasama ang mga proyekto sa pagsasaka at Agribusiness at Fishery, Creative Industries/Knowledge-based Services, Shipbuilding, Mass Housing, Iron at Steel, Energy, Infrastructure, Research and Development, Green Projects, Motor Vehicles, Strategic Projects, Hospital. Medical Services, Disaster Prevention at Mitigation at mga Recovery projects.
Di tulad ng 2012 IPP, ang incentives ay limitado sa zero duty sa anumang importasyon ang capital equipment, spare parts at accessories ng mga BOI – registered mining enterprises.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |