Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Redemption

(GMT+08:00) 2013-07-23 17:44:08       CRI

Ito ay isang love story, pero hindi ito masaya at romatiko, sa katotohanan, kuwento ito ng pagbabago ng relasyon sa pagitan ng isang couple, mula pagiging "lovers" sila'y naging "magkaaway".

Ang kuwentong ito ay batay sa nobelang "Redemption" na isinulat ni Yu Shengli. At ang direktor para sa pelikula ay si Zhu Qing, isang female direktor. Siguro ang mga kababaihan ay mas may talent sa temang relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae.

Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Liu Ye at Ni Ni, dalawang kilalang stars sa Tsina. Ito ang ikalawang pelikula ni Nini pagkatapos ng "The Flowers of War".

Ipinalabas ang "Redemption" noong Mayo ng taong ito, at, nominated ito para sa dalawang award: Best Film sa ika-16 Shanghai International Film Festival, at Best New Film sa 2013 Beijing International Film Festival.

TALAKAYAN:

1, "Redemption" o Pagtubos sa kasalanan o Pagliligtas

Ano ang pagkaka-unawa sa pamagat ng pelikulang "Redemption"?

2, Forgiveness o Pagpapatawad

Sa pelikula, si Xiao Likun, ang male leading role, ay nilinlang ng kanyang asawa. Pinaplano niya ang paghihiganti, pero sa bandang huli hindi niya itinuloy ang planong ito. Ipinalalagay ng ilang tagapanood na ang kapasiyahan ni Xiao ay maganda. Dahil sa pagpapatawad, nailigtas ang buhay ng asawa at anak niya, at pinalaya rin si Xiao ang sarili. Pero, ipinalalagay rin ng ilang tagapanood na mali ang aksyon ni Mooney, asawa ni Xiao, kaya dapat parusahan siya. Mali at hindi makatarungan ang ginawa niya. Sang-ayon ba ang mga moviebuddies dito?

3."Walang katapusan na digmaan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan"

Sinabi ni Zhu Qing, direktor ng pelikulang ito, na umiiral ang "eternal na digmaan" sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, at ito rin ay tema na ipinakikita ng pelikulang ito. Ano ang palagay mo sa pagsasabing ito? Sa pagitan ng dalawang gender, talagang umiiral ba ang"eternal conflict"?

4, "If you were cheated by life..."

"If by life you were deceived/ Don't be dismal,don't be wild/ In the day of grief,be mild/ Merry days will come, believe." Ito ang poem ni Pushkin. Sa buhay natin, tiyak na makakatagpo ng iba't ibang kahirapan, di-patas na at dehado minsan.

Paano haharapin ito? Ano ang mabuting pakikitungo para makuha ang mas masayang buhay?

RATING: 8.5 Machelle / Andrea / Sarah

Sina Liu Ye at Ni Ni

1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>