Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Japanese Prime Minister Abe, haharap sa mga mamamahayag bukas

(GMT+08:00) 2013-07-26 18:34:47       CRI


 PUNONG-PUNO ang schedule ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Maynila. Nakatakda siyang dumating mag-iika-siyam ng gabi sa NAIA Terminal 2 at tutuloy sa Presidential Lounge. Pagsapit ng ika-siyam at kalahati ng gabi, haharap naman siya sa 35th Philippines Japan Friendship Celebration Awards Night na pamumunuan ng Philippines – Japan Society sa Hotel Intercontinental Manila sa Makati City.

Bukas sa ganap na ika-siyam at kalahati ng umaga, mag-aaalay siya ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta. Magkakaroon naman ng Welcome Ceremony at paglagda sa Guestbook ng Malacanang sa ganap na ika-sampu ng umaga.

Pagkatapos nito, dadalaw naman siya sa tanggapan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at magtatagal ng hanggang bago sumapit ang ika-labing isa ng umaga. Susundan ito ang Expanded Bilateral Meeting hanggang ika-labing isa at kalahati ng umaga.

Haharap naman si Pangulong Aquino at Prime Minister Abe sa mga taga-media para sa kanilang joint press statements at susundan ng isang pananghalian sa karangalan ng panauhin at magtatagal ng hanggang ala-una kwarenta ng hapon.

Haharap sa mga mamamahayag si Prime Minister Abe sa ganap na ikadalawa at apatnapu ng hapon sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel.

Nakatakdang umalis si Prime Minister Abe sa NAIA Terminal 2 sa ganap na ika- 4:45 ng hapon.

1 2 3 4 5
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>