|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Walang panganib sa mga embahada ng Pilipinas
WALANG anumang nakikita o nababalitang panganib sa mga embahada ng bansa sa iba't bahagi ng daigdig, partikular sa Gitnang Silangan o Africa.
Sinabi ni Assistant Secretary Raul Hernandez na kinikilala ng bansa ang prerogative at mga pangangailangan ng bansang magsagawa ng ibayong pag-iingat para sa kanilang mga tauhan at kanilang mga mamamayan.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni G. Hernandez na patuloy silang nagbabantay ng seguridad sa paligid ng kanilang tahanan at mga embahada.
Mga manggagawa, humihiling ng dagdag-sahod sa CALABARZON
HINILING ng Confederation of Labor and Allied Social Services-Trade Union Congress of the Philippines o CLASS-TUCP na dagdagan ang sahod ng may P 79.50 araw-araw sa pamamagitan ng regional wage board sa Binan, Laguna.
Ayon kay Ramon Certeza, general secretary ng CLASS-TUCP at kasalukuyang assistant general secretary ng TUCP na naiiwanan na ang mga manggagawa sa mga nagaganap sa rehiyon. Bagama't malaki na ang sahod, wala umanong habol sa taas ng presyo ng prime commodities.
Isa umano ang rehiyon sa pinakamayaman sa bansa na nagkaroon ng average na 5.0% growth sa bawat taon mula 2002 hanggang 2012. Hirapan pa rin ang mga manggagawa sapagkat patuloy na nawalan ng halaga ang kinikita. Kahit pa umano P 349.50 ang sahod ay hinagupit naman ito ng 2.7% hanggang 3% dahilan sa inflation rate at higit pang tumaas na presyo ng bilihin.
Hindi umano mapigil ang presyo ng petrolyo, kuryente, tubig at pamahase.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |