|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Tuloy ang kampanya laban sa Human Trafficking
NAGBABALA si Acting Immigration Commissioner Siegfried Mison sa mga sindikatong sangkot sa human trafficking na huwag magsasamantala sapagbabago ng liderato sa tanggapan. Nananatiling nagbabantay ang tanggapan upang mapigil ang pagpapalabas ng mga Filipinong walang sapat na dokumento.
Tuloy ang kampanya laban sa mga "escort services" sa mga paliparan. Ang anumang pagtatangka ng maipuslit ang mga biktimang Pilipino ay mapipigil.
Kasabay sa binalaan ang mga kawaning nakikipagsabwatan sa mga nagpupuslit ng mga Pilipino palabas ng bansa.
Magugunitang may 17 mga human trafficking victims ang ipupuslit sana sa mga paliparan mula ng magbitiw si Commissioner Ricardo David, Jr. may dalawang linggo na ang nakalilipas.
Pito ang nasabat sa NAIA 4 noong ika-18 ng Hulyo. Lahat sa mga pasahero ang nagsabing mga small businessmen na magbabakasyon sa Malaysia subalit kakaiba at kaduda-duda ang mga dokumentong dala. Umamin ang grupo na magtatrabaho sila sa ibang bansa matapos dumaan sa Kuala Lumpur. Magtutungo sila sa Bosnia at Italia. Noong ika-27 ng Hulyo, sampung mga manggagawang Pilipino ang napigil lumabas ng bansa at magtutungo sa Bangkok.
Bagama't may hotel reservations sa Bangkok, magtutungo sila sa Dubai sa United Arab Emirates upang magtrabaho.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |