Tatlo katao ang nasawi sa landslide sa Zamboanga
SA patuloy na pag-ulan, gumuho ang lupa sa Sitio Cumati, Barangay Limpapa, Zamboanga City.
Ayon sa national Disaster Risk Reduction and Management Council, naganap ito kamakalawa ng umaga, mga ika-pito't kalahati. Tatlong tahanan ang bahagyang panisala. Dalawa ang nakilalang nasawi, sina Agustin Ramos Kaluuyan, 13 tatlong gulang at ang kanyang kapatid na si Ayen, anim na taong gulang. Ang kinalalagyan ng kanilang tahanan ay patungo sa bayan ng Sibuco at hindi madaanan dahilan sa pagguho ng lupa.
Sa isang follow-up report, nadagdagan pa ang bilang ng nasawi at umabot na sa tatlo katao kaninang ikalawa ng hapon.
1 2 3 4