Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga nasa likod ng kaguluhan sa Mindanao, binalaan ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2013-08-08 18:42:39       CRI

Mga nasa likod ng kaguluhan sa Mindanao, binalaan ni Pangulong Aquino

BINALAAN ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang mga nasa likod ng kaguluhan sa Mindanao na mararanasan ang tindi, lalim at lakas ng tugon ng pamahalaan kung sila'y hahadlang sa palatuntunang pangkapayapaan.

Hindi umano magtatagumpay ang anumang gagawin upang hadlangan ang daan tungko sa kapayapaan at katatagan upang tuluyang umunlad ang Mindanao.

Ito ang buod ng kanyang talumpati sa 22nd Mindanao Business Conference sa Davao City kanina. Kasama niya ang kanyang mga miyembro ng gabinete.

Higit na sa 12 katao ang nasawi sa mga pambobomba sa Mindanao.

Idinagdag ni Pangulong Aquino na matagal ng kumikilos ang pamahalaan upang masugpo ang mga ito at nagkaroon na rin ng mga mumunting tagumpay. Idinagdag pa niya na hindi umano makahahadlang ang mga gawaing ganito sa kapayapaan at katatagan upang makita ang tunay na yaman ng Mindanao.

Tiniyak ni Pangulong Aquino na sinisiyasat nila ang mga pambobomba sa Cagayan de Oro City, Cotabato City at maging sa North Cotabato. Inaalam pa ng pamahalaan kung may koneksyon ang mga pambobombang ito sa isa't isa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>