Si Lyn ay mahigit sampung taong nang nakikinig sa Serbisyo Filipino. Noong una, Cooking Show lang ang laging niyang inaabangan, pero, ngayon, pinakikinggan niya ang halos lahat ng programa ng Serbisyo Filipino. Sabi niya, sa webcast siya nakikinig, kaya dinadaanan na rin niya ang mga column sa website ng Serbisyo Filipio. Sabi niya sana raw dumami pa ang mga bisita ng website ng Serbisyo Filipino.
Ilang mensahe na ipinadala ni Lyn:
"Dear Kuya Ramon, matagal ko nang inaabangan ang pagbabalik ng programa ninyong Cooking Show. Nabitin ako sa kalagitnaan kasi hindi nakumpleto ang koleksiyon ko ng mga Chinese recipes. Maraming nagkakagusto sa mga niluluto kong putaheng Chinese unang una na ang asawa ko."
" Hi, Kuya Ramon! Parang naadik na ata ako sa pakikinig ng inyong mga programa. Parang may kulang sa araw ko kung hindi ko mabuksan ang inyong website at mapakinggan ang inyong webcast. Gustung gusto ko ang mga balita ninyo hinggil sa mga events diyan sa China."
"Ang voice mo Kuya Ramon ay para na ring theraphy sa akin lalo na kung nakakaramdam ka ng pagod sa maghapong pagtatrabaho. Salamat naman at nakakapiling ka namin sa araw-araw na mga balita."