Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SAY YES

(GMT+08:00) 2013-08-13 18:35:12       CRI

Ang pelikulang "Say Yes" ay batay sa 101st Proposal, isang 1991 TV drama mula sa Japan. Sikat ang TV show na ito at marami na itong bersyon sa ibat ibang bansa sa Asya. Kabilang na ang mainland version na ipinalabas noong 2003. Sa Korea may film at TV versions na rin. Kaya ang storyline ay talagang pamilyar na sa mga manonood.

Beauty and the Beast ang tema ng pelikula. Sikat na Taiwanese cellist si Yeh Shun (Lin Chi-ling) si Huang Da (Huang Bo) naman ay isang contractor na sumusubok sa ika-99 na date nya. Malas siya lagi sa paghahanap ng nobya kaya wala na siyang tiwala sa sarili.

Broken hearted si Yeh Shun kaya walang interes sa mga manliligaw. Pero sinuyo sya ni Huang Da na, na love-at-first sight sa kanya matapos syang bigyan ng pep talk nito tungkol sa panliligaw. Katulong ni Huang sa kanyang quest for love si Taozi (Qin Hailu) bestfriend ni Shun at mga kaibigan ni Huang na kasama rin nya sa trabaho.

Tinalakay ng mga movie buddy ang magkaibang pananaw ng mga bida hinggil pag-ibig. Sabi ni Huang Bo mahihirapan syang makahanap ng mapapangasawa dahil walang syang bahay, kotse at pera. Sabi naman ni Shun hindi dapat love = money ang equation. Para sa mga moviebuddy ng Serbisyo Filipino dapat praktikal pero di naman dapat kalimutan ang pagmamahal.

Pagdating sa acting nu Huang Bo agree si Machelle at Andrea na panalo sya at talagang forte nya ang komedi. Pero pagdating sa Rom-Com uubra na sya? Pwede. Sakto sya sa papel na "big-time loser."

Nakakatuwa ang cameo sa pelikula ng Japanese veteran na si Takeda Tetsuya na gumanap sa role ni Huang sa original na Japanese TV Series. Maganda ang advice nya gamit ang magic scarf. Pag pinanood ang pelikula siguruhing wag kukurap pagdating ng eksenang ito.

Ang pagdating ng photographer fiancé ni Shun na si Xu Zhuo (Godfrey Gao) ang turning point ng pelikula. Pero hindi na ito sorpresa para sa mga movie buddies.

Ang Say Yes ay ikalawang project ni Lin Chi-Ling at ng Direktor na si Leste Chen kasama na rin ang Director of Photography na si Chiang Min-Chung. Pero tila mas nasubok ang acting ni Lin Chi-ling sa Love on Credit. Sa Say Yes wala siya masyadong dramatic prowes.

Rating: Machelle 9 dahil kay Huang Bo at si Andrea 8 dahil hindi kinilig sa kwento.

Si Yeh Shun (Lin Chi-ling)

 Si Huang Da (Huang Bo)

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>