Noong ika-13 ng Nobyembre ng taong 2010, idinaos sa Guangzhou, Tsina, ang ika-29 na Pulong ng Konseho ng Olympic Council of Asia (OCA). Dumalo sa pulong na ito sina Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Ahmed Al-Sabah, Presidente ng OCA, Count Jacques Rogge, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), at lahat ng mga miyembro ng Executive Committee ng OCA. Pinagtibay sa pulong na ito ang resolusyon na nagsasaad na itataguyod ng Nanjing ng Lalawigang Jiangsu ang ika-2 Palaro ng mga Kabataang Asyano sa taong 2013.
Ang pagbibigay ng OCA ng karapatan sa Nanjing para magtaguyod ng palaro ay naglalayong ibayo pang mapasulong ang palaro ng mga kabataang Tsino at mapalawak ang impluwensiya ng Olimpiyada ng mga Kabataan (YOG). Umaasa ang OCA na ang karanasan ng Nanjing sa pagtataguyod ng ika-2 Palaro ng mga Kabataang Asyano ay makakatulong sa pagdaraos ng Olimpiyada ng mga Kabataan sa Nanjing sa taong 2014.
Ang ika-2 Palaro ng mga Kabataang Asyano ay idaraos sa Nanjing mula ika-16 hanggang ika-24 ng Agosto.