Ang Asian Youth Games (AYG) ay multi-sport event na idinaraos ng Olympic Council of Asia (OCA) bawat 4 na taon.
Itinatag ang OCA noong ika-26 ng Nobeyembre ng 1981. Ang punong himpilan nito ay nasa Kuwait. Sa kasalukuyan, ito ang tanging organisasyon na komprehensibong namamahala sa mga Olympic events sa Asiya.
Noong ika-3 ng April,2008, sa Bangkok, Thailand, idinaos ang ika-52 Pulong ng Lupong Tagapagpaganap ng OCA. At sa pulong na ito, pinagtibay ang resolusyon ng pagdaraos ng multi-sports event na para sa mga kabataan, kaya ipinasiyang itinayo ang AYG. Ang Asian Youth Games ay naglalayong palakasin ang pagpapalitan at komunikasyon ng mga kabataan sa pagitan ng iba't ibang bansa at rehiyon ng Asiya, palaganapin ang diwa ng Olympiyada sa pagitan ng mga kabataan sa Asiya, hikayatin ang mga kabataan na aktibong lumahok sa palakasan at itatag ang malusog na pamumuhay.
Mula ika-29 ng Hunyo hanggang ika-7 ng Hulyo ng taong 2009, matagumpay na idinaraos ang kauna-unahang AYG sa Singapore, na nilahukan ng mahigit 3000 malalaro mula sa 45 bansa at rehiyon ng Asiya.