|
||||||||
|
||
2013AYGjuzhongbisai
|
Kahapon, natamo ng Tsina ang unang gintong medalya mula sa Weighlifting, ang unang medal event ng Ika-2 Asian Youth Games (AYG) na ginaganap sa Nanjing, Tsina. Nasungkit ng 15 anyos na si Jiang Huihua ang unang ginto para sa bansa sa Womens 48 Kg at bumuhat ng kabuuang 183kg.
Si Elien Rose Perez habang lumalaban sa Women's 48kg. Ito ang huling buhat nya sa Clean and Jerk kung saan nakabuhat siya ng 70kg
Samantala bagamat bigong makakuha ng medalya sa parehong kategorya, nalampasan naman ng 14 anyos na si Elien Rose Perez ang kanyang personal record sa Snatch at bumuhat ng 60kg. Sa Clean and Jerk naman umabot lang sa 70kg ang nabuhat ng Boholanang atleta l tungo sa kabuuang 130kg.
Paliwanag ni Coach Leonardo Llena: "Yung former record nya sa Qatar mas naimprove nya ngayon dun sa Snatch. Sa Clean and Jerk medyo bumaba nagkaroon sya ng technical error sa pagbuhat nya. Yung second attempt nya ipinababa ng referee kasi sumayad yung siko nya sa tuhod which is a foul or no lift. Tapos yun naman third attempt nya, medyo kulang sa concentration hindi na sentro sa taas ang pagtulak nya."
Weightlifting team ng Pilipinas na binubuo nila Coanch Leonardo Llena, at mga Weightlifters na sina Marco Llena, Elien Rose Perez at Margaret Colonia
Ang AYG ang ikalawang internasyonal na paligsahang sinalihan ni Perez. Pagbalik sa Pilipinas balik training ang batang weightlifter at mas determinado si yang magtagumpay sa larangang ito. "Magsusumikap ako para lalo akong lumakas at (para) matalo ko ang ibang atleta na (nakalaban) ko ngayon."
Ulat nina Machelle at Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |