Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Search and Rescue Operations, tuloy na

(GMT+08:00) 2013-08-18 20:50:32       CRI

NAKIKITA NA ANG TUMATAGAS NA LANGIS.  Sa larawang ito nagmula ang pangamba ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at mga environmentalist sapagkat may posibilidad na kumalat ang langis, petrolyo at krudo na mula sa M/V St. Thomas Aquinas na lumubog noong Biyernes ng gabi sa may Talisay City sa Cebu.  (Larawan ng Sea Knights)

UMABOT na sa 34 ang naitalang nasawi sa paglubog ng M/V St. Thomas Aquinas noong Biyernes ng gabi samantalang nailigtas na ang may 751 katao at nawawala naman ang may 85 iba pa.

Sa isang panayam kay Philippine Coast Guard Commandant Rear Admiral Rodolfo D. Isorena, sinabi niyang tuloy na ang search and rescue operations kahit pa masama ang panahon.

Iisang banyaga na nakilala sa pangalang Philip Harold Tyler mula sa New Zealand ang nakasakay sa M/V St. Thomas Aquinas. Una siyang nabalitang nasa pagamutan. Walang impormasyon kung isa siyang turista o maituturing na local resident ng Pilipinas.

Sa likod ng mga balita, isang grupo ng mga maninisid na kilala sa pangalang Sea Knights ang lumahok din sa paghahanap sa mga pasahero ng barkong St. Thomas Aquinas kanina.

Ang Sea Knights ay pinamumunuan ni Fr. Tito Soquino, isang Augustinian Recollect Missionary na nakatalaga sa Basilica Minore ng Santo Nino sa Cebu. Unang nakilala ang kanilang grupo sa paglilinis ng karagatan sa pangalang Scubasurero.

Ayon kay Fr. Tito, tinawagan sila ni Soloman Paypa, ang City Administrator ng Talisay na tumulong sa search and rescue operations. Nalungkot ang grupo ni Fr. Tito sapagkat hindi sila kaagad pinayagan ng Philippine Navy na magsagawa ng kanilang operasyon. Hinanapan pa umano ang kanilang grupo ng technical divers kahit pa binubuo ng mga diving instructors ang Sea Knights.

Limang bangkay ang nabawi mula sa karagatan ng grupo ni Fr. Soquino. Idinagdag ng pari na ito ang unang search and rescue operation nila kahit pa nagsanay sila bilang lifesavers. Kaya kahit paano ay handa sila sa ganitong pagkilos.

Isa sa mga pangamba ng misyonero ay ang pangmatagalang pinsala sa karagatan sa oras na kumalat ang krudo, langis at petrolyo na nagmula sa lumubog na barko.

Ani Fr. Soquino, sa Talisay City siya natutong sumisid noong 2005 kaya't nadarama niya ang pangangailangan ng tulong mula sa lungsod.

Inaalam pa ng Philippine Navy kung paano mapapasok ang barko. Binabalak niyang mamuno sa mga panalangin bukas ng umaga sa pook na kinalubugan ng M/V St. Thomas Aquinas. Nag-alay na siya ng Misa sa Basilica Minore ng Santo Niño sa Cebu kanina.

Si Fr. Tito ay 56 na taong gulang na, 30 taong sa pagiging kasapi ng Augustinian Recollects at 29 na taon na sa pagkapari.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>