Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kayla at Kyla Richarson, sinimulan ang laban sa Athletics

(GMT+08:00) 2013-08-21 15:16:49       CRI

Kahapon sinimulan ng kambal sa mananakbo na sina Kayla at Kyla Richardson ang bid ng Pilipinas para makakuha ng medalya sa Athletics.

Ang kambal na Richardson sa Final ng Girls 100m

Nag-qualify ang kambal sa Girls 100m ng Ika-2 Asian Youth Games. At ayon kay Kayla hindi naman sya nahirapan para makapasok sa final.

Matapos ang event nasa ika-limang pwesto si Kayla at nagtala ng 12.30 seconds sa kanyang takbo. Samantalang si Kyla naman ay nasa likod ng kanyang kambal sa oras na 12.38 seconds at nasa ika-anim na pwesto.

Nakuha ng Tsina ang gold medal, samantalang wagi ang Thailand ng silver at bronze sa event na ito.

Sina Kyla at Kayla Richardson ng Atletics Team ng Pilipinas

Sinabi ni Kayla na di pa tapos ang laban at nananatiling may pag-asa ang Pilipinas sa Athletics dahil ngayong araw ay sasabak sila sa Girls 200m. Ayon kay Kyla pipilitin nilang dagdagan ang medalya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang event.

Reporter: Machelle at Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>