|
||||||||
|
||
Pagdalaw ng mga mamamahayag na Tsino sa pamamagitan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, matagumpay
LABING-WALONG mamamahayag na pinili ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa ilalim ng "Chinese Media Familiarization Tour" na nagmula noong ika-13 at nagtapos noong ika-16 ng Agosto sa Metro Manila at sa Lalawigan ng Bohol.
Ang delegasyon ay binubuo ng mga kinatawan ng Global Times, Chongqing Economic Times, Chongqing Morning Post, Guangzhou Daily, Guangxi Daily, South China Morning Post, Sing Tao, Macau Post Daily, Macau Business Daily, Xiamen Daily at Xinmin Evening News. Dumalo rin ang kinatawan ng TVB Pearl of Hong Kong at Xiamen TV Station Channel 2 at ang WenhuiXinmin Group ng Shanghai. Nakasama rin ang isang freelance political columnist na kumatawan sa "journalist blogger" community.
Dumalo sila sa "Forum on the Evolving Role of Media in Philippine and Chinese Societies" sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino. Natampok din ang mga nangungunang mamamahayag ng Pilipinas. Lumahok din si Chito Sta. Romana, ang Pilipinong mamamahayag na matagal na naglingkod sa Beijing bilang ABC Beijing Bureau chief.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |