Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kontrobesyal na PDAF, bubuwagin na; Mga mambabatas, may papel pa

(GMT+08:00) 2013-08-23 19:20:21       CRI

Humarap si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga mamamahayag at sa pambansang telebisyon ay sinabing papalitan na ang sistema sa PDAF.  Limitado na ang pagkakagastusan nito.  Na sa gawing kanan si Speaker Feliciano Belmonte at nasa kaliwa naman si Senate President Franklin M. Drilon.  (Malacanang Photo)

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kasalanan na naman ng nakalipas na administrasyon ang mga pag-abuso sa paggastos ng pondo ng bayan.

Sa isang pahayag sa harap ng mga mamamahayag at ng pambansang telebisyon, sinabi niyang mayroong pagsasabwatan sa pagitan ng isang pangulong handang makipagtransaksyon para manatili sa kapangyarihan, mga mambabatas na handang makipagsabwatan at mamamayang tila namnhid na sa panlalapastangang ginagawa sa kanila.

Sa kanyang higit sa siyam na minutong talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na papanagutin ang mga umabuso sa sistema. Inutusan na niya ang Kagawaran ng Katarungan at mga ahensyang saklaw ng Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council na magtulungan upang mapabilis ang proseso mula sa imbestigasyon hanggang sa pagbawi sa ilegal na yaman. Kailangang panagutin ang nararapat managot, dagdag pa niya.

WALA NG MGA DREDGING, ASPHALT OVERLAY AT FERTILIZER NA GAGASTUSAN NG PDAF.  Sa bagong kalakaran, tanging mga proyekto sa loob ng distrito ng mambabatas na magmumungkahi ng proyekto ang papayagan.  Sa panig ng party list, tanging sa kanilang sektor na lamang ang gagastusan, ayon kay Pangulong Aquino sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag tungkol sa kontrobersyal na PDAF o pork barrel.  (Malacanang Photo)

Magkakasama sa komite sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan at Chairperson Grace Pulido-Tan.

Ihahayag sa madla ang PDAF na natatanggap ng bawat mambabatas at hindi na papayagan ang mga tinaguriang "congressional insertions." Hihingin ang mga detalye ng mga proyekto at makikita sa website ng Department of Budget and Management ang talaan ng mga proyektong napopondohan ng PDAF. Lahat ng bid notices at awards at nakapaskil sa Philippine Government Electronic Procurement System.

Sa likod ng mga repormang ipinatupad, kailangang magkaroon ng mas malawak na pagbabago at napapanahon na upang buwagin at itigil na ang PDAF. Makakapagmungkahi ng proyekto ang mga mambabatas na idadaan sa proseso sa pagbuo ng budget. Sakaling maaprubahan, magiging line items ito ayon sa programa ng pambansang pamahalaan. Mapapaloob sa pambansang budget at hihimayin ang bawat linya.

Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na bawal na ang mga consumable soft projects tulad ng fertilizers, punla, gamot, medical kits, pustiso, paliga, training materials at anumang hindi masusuri kung totoo ngang may kinahihinatnan.

Bawal na rin ang dredging, desilting, re-gravelling at maging asphalt overlay projects.

Hindi na dadaan ang mga pondo sa mga NGO, Zamboanga Rubber Estates Corporation at NABCOR. Limitado na rin sa distrito o sektor ng mambabatas na nag-sponsor ang kanyang panukalang proyekto. Tiniyak din ni Pangulong Aquino ang tapat na subasta ng mga proyekto.

Idinagdag ng pangulo na may kautusan na siya sa Department of Budget and Management na kumunsulta kina Senate President Franklin Drilon at Speaker Feliciano Belmonte upang bumuo ng mekanismo at isumite kaagad sa kanyang tanggapan. Makakasama na ang mga repormang ito sa budget ng 2014.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>