Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, panalo ng isa pang ginto sa AYG

(GMT+08:00) 2013-08-23 15:12:38       CRI

Dinagdagan ni Pauline Louise Lopez ang medalyang ginto ng Pilipinas sa Ika 2 Asian Youth Games matapos siya manalo sa Women's 55kg ng Taekwondo.

Pauline Louise Lopez ng Pilipinas sa medal ceremony ng Women's 55kg final ng Taewondo. Pinanalunan ni Lopez ang pangalawang gintong medalya ng bansa sa Ika-2 AYG

Lamang ng 3-0 si Lopez sa unang round ng laban niya kay Fariza Aldangorova ng Kazakstan. Sa round 2 bumawi ang Kazak Jin at nakakuha ng dalawang puntos para ilapit ang iskor sa 3-2. Pero di umubra ang kalaban ni Lopez sa pangatlong round at isinara ang laban sa Women's 55kg final sa iskor na 4-2.

Sa panayam ng AYG ilang minuto matapos ang laban, sinabi ni Lopez na kabado siya bago ang laban. Pero naniniwala siya sa gabay ng Panginoon. Ang Diyos ang naging paraan sa pagsali niya sa

Asian Youth Games. Nawala ang nerbyos nya at ginawa nya ang lahat ng makakaya.

Gold medallist ng Pilipinas na si Pauline Lopez (pangalawa sa kaliwa), silver medallist na si Aldangorova Fariza ng Kazakstan (una mula kaliwa), bronze medallists Fawareh Rania mula sa Jordan (pangalawa mula kanan) at Mamadibragimova Dinorakhon ng Uzbekistan sa awarding ceremony Women's 55kg ng Taewondo

Pagkatapos ng AYG magsasanay ang 17 taon gulang na taekwondo jin at umaasa siyang magkakaroon siya ng mas maraming pagkakataon para makasali sa mga kumpetisyon. Nais ni Lopez na bumalik sa Nanjing sa 2014 para sumali sa Youth Olympic Games.

Reporter: Machelle at Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>