Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kontrobersya sa nakalipas na dalawang halalan, ibinunyag

(GMT+08:00) 2013-09-02 19:07:41       CRI

 KONTROBERSYAL ANG NAKALIPAS NA DALAWANG HALALAN.  Ito ang binigyang pansin nina dating Commission on Elections Commissioner August "Gus" Lagman, Ernesto Estrella at Adolfo Paglinawan sa talakayan sa Tapatan sa Aristocrat.  Kaduda-duda umano ang lumabas na mga nagwagi sa dalawang halalan noong 2010 at 2013.  (Mga Larawan ni Raymond Bandril)


MAY koneksyon ang dalawang nakalipas na halalan sa kontrobesyang may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund o PDAF na ibinibigay sa mga kongresista at mga senador para sa kanilang mga proyekto sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa idinapos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni dating Commission on Elections Commissioner Augusto Lagman na sinadyang tanggalin ang safeguards sa mga precint count optical scan machines sa pamamagitan ng mga resolusyong ipinasa ng mga bumubuo sa Commission on Elections. Marami umanong mga batas na tumitiyak sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga halalan ang inalis nilang lahat ang mga ito sa pamamagitan ng mga resolusyon.

Sinabi ni Hermenegildo Estrella, isang dating opisyal ng IBM na marami ng reporters at concerned citizens ang nagtatanong kung busilak ba ang nakalipas na halalan. Ipinaliwanag pa ni G. Jun Estrella, na malayo sa katotohanan sapagkat kahit ang mga scanning machines na binili ng pamahalaan ay hindi napakinabanggan ng mga kasapi ng Board of Election Inspectors.

Para kay G. Adolfo Paglinawan, kaya't mainitan ang mga halalang naganap as Pilipinas ay dahilang malaking salapi ang nag-aabang sa sinumang maging mambabatas. Nagbabala din si Ginoong Adofo Paglinawan ng hamak na malaki ang budget o Priority Development Assistance Fund na kung ihahambing sa mga nakalipas na taon Sa budget ng pamahalaan para sa 2014, umabot sa P 27 bilyon ang PDAF ng mga mambabatas subalit higit sa P 1.3 trilyong piso ang nakalaan sa ilalim ng pangangasiwa ng Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>