Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang humpay na operasyon laban sa MNLF sa Zamboanga tiniyak

(GMT+08:00) 2013-09-13 21:54:53       CRI

Mahihirap ang nagpapasan ng Katiwalian

NAKIKIISA ang mga pari't madreng kabilang sa iba't ibang kongregasyon sa Pilipinas sa panawagang pigilan na ang pork barrel sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Sinabi ni Fr. Leo Dalmao, CMF, ang main presider sa concelebrated mass sa San Agustin church sa Intramuros na ang taongbayan ang nagpapasan ng mga epekto ng katiwalian sa iba't ibang antas ng pamahalaan.

Naharap na ang buong bansa sa mga eskandalong nagaganap sa Priority Development Assistance Fund. Ito na umano ang pinakamalalang isyu ng korupsyon sa nakalipas na tatlong dekada. Hindi nagtagal, ay nagulat din ang madla sa kaguluhan sa Zamboanga at Basilan. Matindi na ang epekto nito sa kalagayan ng mga mamamayan.

Nakikita na umano ang kultura ng pagsisinungalin, panggigipit at walang pananagutan at ang pagsasabi ng katotohanan ay nagdudulot ng panganib sa buhay ng tao.

PAGBABAGO, HINDI LAMANG SA PAMAHALAAN ANG KAILANGAN.  Mahalaga ang pagbabago ng mga mamamayan upang magkaroon din ng pagbabago sa lipunan.  Ito ang pahayag ni Fr. Leo Dalmao, isang Claretian missionary sa pagdiriwang ng Misa para sa mga kasapi ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay Fr. Dalmao, ang mga mahihirap ang sumasalo, nagpapasan ng mga suliranin ng bansa, tulad ng mga guro sa malalayong pook, mga lumad, mga tapat na naglilingkod sa pamahalaan at iba pang nabubuhay sa pagsusulong ng katotohanan.

Isang Misa at prusisyon ang pinamunuan ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines upang makiisa sa mga kumukondena sa mga pagsisinungalin ng mga namumuno sa pamahalaan. Magkakaroon din ng pagtitipon sa Luneta.

MGA MADRE, KARAMIHAN SA DUMALO SA MISA SA SAN AGUSTIN.  Bago nag-Prusisyon, isang Misa ang idinaos sa makasaysayang San Agustin Church.  Nanawagan sila sa Pamahalaan alisin na ang pork barrel. (Melo M. Acuna)

Hindi lamang pamahalaan ang tinawagan ni Fr. Dalmao na magbago. Kailangan din ang pagbabago ng sarili upang mag-ugat ang panglipunang pagbabago, dagdag pa ni Fr. Dalmao.,

Higit na sa dalawang libo katao ang natitipon sa San Agustin Church. Nagprusisyon ang mga lumahok sa Misa patungo sa Luneta. Kasama pa rin sa mga isyung kinakaharap ng bansa ay ang pagmimina, kawalan ng katarungan at kawalan ng parusa sa mga nagkakasala.

Hindi mapababayaan ang ganitong kalakaran kaya't nagsasama-sama ang mga mamamayan kasama ang mga alagad ng Simbahan. Hindi kailangang magbulag-bulagan sa mga nagaganap kaya't kailangang manindigan at ng mawala na ang mga katiwalian sa lipunan, dagdag pa ni Fr. Dalmao.

Ibinalita rin ni Fr. Dalmao na nagkaroon na naman ng sagupaan sa panig ng pamahalaan at mga rebelde sa Basilan kaninang ika-11 ng umaga.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>