Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hukuman, ipinag-utos ang pagdakip sa mga pulis na sangkot sa isang malagim na insidente

(GMT+08:00) 2013-09-20 19:34:12       CRI

NAGLABAS na ng Warrant of Arrest si Gumaca, Quezon Regional Trial Court Judge Maria Chona Pulgar Navarro laban sa 13 mga pulis na sangkot sa sinasabing rubout sa Atimonan, Quezon noong Enero.

Si Judge Navarro ang presiding judge sa Quezon RTC Branch 61 na siyang dirinig sa usapin. Walang piyansang inerekomenda laban sa mga ipinadarakip sa kasong multiple murder.

Ang Kagawaran ng Katarungan (DoJ) ang nagsuplong sa mga akusado kahapon matapos sangayunan ang ginawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na ang checkpoint operation noong ika-anim ng Enero ay rubout at hindi sagupaan tulad ng sinabi ng grupo ni Supt. Hansel Marantan.

Labing-tatlo kataong sakay ng dalawang sports utility vehicles ang nasawi sa rubout. Kasama sa mga akusado ni Marantan sina C/Insp. Grant Gollod, S/Inspector John Paolo Carracedo, S/Insp. Timoteo Orig, SPO3 Joselito de Guzman, SPO1 Carlo Cataquiz, SPO1 Arturo Sarmiento, PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO2 Al Bhazar Jailani, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Latento alais Rodel Tolentino.

Pinawalang-saysay ang sumbong laban sa 11 kataong mula sa Army Special Forces Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Monico Abang na umalalay sa grupo ng mga pulis. Hindi na rin ipinagsumbog si C/Supt. James Andres Melad, ang CALABARZON director noong maganap ang rubout.

Ayon sa Kagawaran ng Katarungan, nagsabwatan umano sina Supt. Marantan at mga kasama upang patayin ang grupo ng sinasabing gambling lord na si Vic Siman.

Ayon sa desisyon ng Kagawaran ng Katarungan, pinagplanuhan, pinaghandaan at ginamitan ng ibayong lakas, pagtatraydor at ng mga armadong tao ang naganap na krimen.

May kaso pang obstruction of justice laban kina Carracedo at Lt. Rico Tagure. Kinasuhan si Carracedo sa pagpapaputok ng sandata ng mga biktima upang lumabas na nagkaroon ng barilan at kay Tagure sa pagbabasag ng mga bintana ng SUVs sa kautusan ni Carracedo.

Hindi na itinuloy ang usaping obstruction of justice laban sa ilang tauhan ng PNP Crime Laboratory.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>