Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Estrada: Kawalan ng katarungan ang ginawa sa amin

(GMT+08:00) 2013-09-26 18:05:11       CRI

SINABI ni Senador Jinggoy Estrada na hindi makatarungan ang ginawa sa kanilang tatlo nina Senador Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla, Jr. ng idiin sila sa diumano'y paglustay ng salapi ng bayan sa pamamagitan ng kanila Priority Development Assistance Fund.

Sa kanyang privilege speech na tumagal ng may isang oras kahapon, sinabi niyang "Selective justice is injustice" sapagkat sa may 371 mambabatas na mayroon umanong irregularities sa PDAF ayon sa Commission on Audit special report, ay tanging sila lamang ang pinag-iinitan.

Ayon sa mga nagmamasid, ang talumpati ay pagtatangka ni G. Estrada na maging patas ang tingin ng publiko sa kanilang mga mambabatas. Binanggit pa ni Senador Estrada na mayroong mga mambabatas na kumita sa pamamagitan ng mga suhol at karagdagang regalo mula sa Ehekutibo (Malacanang).

Dagdag pa ni Senador Estrada tatatlong ahensya pa lamang at lilimang lalawigan ang isinailalim ng pagsisiyasat. Mas makabubuti umanong lahatin na ang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan. Ginamit din umano ang PDAF upang mapatalsik si Ombudsman Merceditas Gutierrez at Chief Justice Renato Corona. Nagamit din ang PDAF sa pagpapasa ng Reproductive Health bill kamakailan.

Pinaringgan din ni Senador Estrada si Senate President Franklin Drilon na pasimuno umano ng pamamahagi ng P 50 milyon sa bawat senador na bumuto upang mapatalsik si Chief Justice Corona. Hindi umano magagawa ni Senador Drilon, na noo'y Senate Finance Committee chairman, kung walang salaping nagmumula sa tanggapan ni Secretary Florencio Abad ng Department of Budget and Management.

Niliwanag naman ni Senador Estrada na bumoto siya upang mapatalsik si CJ Corona ng walang anumang tinanggap, hiniling at ninais mula sa administrasyon kahit pa may kumausap sa kanyang patalsikin na si G. Corona.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>