Si Xi Jinping ay nabibilang sa etnikong Han. Siya ay isinilang noong Hunyo, 1953, sa Fuping, probinsyang Shaanxi. Sumapi siya sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Enero, 1974, at nagsimulang magtrabaho noong Enero, 1969. Siya ay nagtapos sa kursong Marxist theory and ideological education sa School of Humanities and Social Science ng Tsinghua University; at mayroong doctor's degree sa batas (LLD).
Siya ang kasalukuyang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC, Pangulo ng People's Republic of China, Tagapangulo ng Central Military Commission ng PRC, at Prinsipal ng Party School ng Komite Sentral ng CPC.
1975-1979: Estudyante ng basic organic synthesis ng Chemical Engineering Department ng Tsinghua University;
1979-1982: Kalihim ng General Office ng Konseho ng Estado at General Office ng Central Military Commission (bilang opisyal na nasa aktibong serbisyo);
1982-1983: Pangalawang Kalihim ng Komite ng CPC sa Zhengding County, probinsyang Hebei;
1983-1985: Kalihim ng Komite ng CPC sa Zhengding County, probinsyang Hebei;
1985-1988: Pirmihang Kagawad ng Munisipal na Komite ng Xiamen, probinsyang Fujian Province; at Bise Mayor ng Xiamen;
1988-1990: Kalihim ng Komite ng Ningde Prefecture, probinsyang Fujian;
1990-1996: Kalihim ng Munisipal na Komite ng Fuzhou, probinsyang Fujian, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Munisipal na Kongreso ng Fuzhou; 1993-1995: Pirmihang Kagawad ng Probinsyal na Komite ng CPC sa probinsyang Fujian;
1995-2002: Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa probinsyang Fujian;
1999-2000: Umaaktong Gobernador ng probinsyang Fujian;
2000-2002: Gobernador ng probinsyang Fujian (1998-2002: nag-aral ng Marxist theory and ideological education sa ilalim ng isang on-the-job postgraduate program sa School of Humanities and Social Sciences ng Tsinghua University at nagtapos ng may doctor's degree sa batas (LLD);
2002-2003: Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa probinsyang Zhejiang, at umaaktong gobernador ng lalawigan;
2003-2007: Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC sa probinsyang Zhejiang, Puno ng Pirmihang Lupon ng Kongresong Bayan ng Zhejiang;
2007-2007: Kalihim ng Munisipal na Komite ng CPC sa Shanghai (wala na sa posisyong ito mula Oktubre ng 2007)
2007-2012: Pirmihang Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC, Pangalawang Pangulo ng People's Republic of China, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC at PRC, Prinsipal ng Party School ng Komite Sentral ng CPC.
2012: Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC, Pangalawang Pangulo ng People's Republic of China, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng PRC, Prinsipal ng Party School ng Komite Sentral ng CPC.
Panghaliling miyembro ng ika-15 Komite Sentral ng CPC, at miyembro ng ika-16, ika-17 at Ika-18 Komite Sentral ng CPC. Pirmihang miyembro ng Pulitburo ng ika-17 Komite Sentral ng CPC at miyembro ng Sekretaryat ng ika-17 Komite Sentral ng CPC. Pangkalahatang Kalihim ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC.