|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Aquino pinayuhang makinig naman sa mga mamamayan
MAS makabubuting alisin na ni Pangulong Aquino ang kanyang mga daliri sa kanyang mga tainga at pakinggan ang panawagan ng mga mamamayang alisin na ang pork barrel.
Nagsalita na ang mga mamamayan, ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma at nais nilang alisin na ang Priority Development Assistance Fund.
Karaniwang tao na ang nagsasabi na alisin na ang PDAF kabilang na rin ang presidential pork barrel, dagdag pa ni Arsobispo Palma, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Ipinaliwanag ng arsobispo na ang mabuting layunin ng salapi ay nagamit sa masamang paraan.
Nararapat namang magkaroon ng delicadeza si Pangulong Aquino sa galit ng taongbayan sa kontrobersyal na PDAF ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.
Ayon sa obispo, kung wala umanong interes ang pangulo sa pork barrel, bakit hindi niya matalikdan ang kanyang discretionary funds?
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |