Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ROOFTOP

(GMT+08:00) 2013-10-10 15:46:19       CRI

Kilig movie ang pelikulang Rooftop. Ito ang pangalawang pelikula ng Mando Pop Superstar na si Jay Chou.

Kung maaalala ninyo na-feature na namin ang first film niya na Secret. Ang Rooftop ay ginawa niya anim na taon matapos syang mag debut bilang film director. Ambisyoso ang pelikula ni Jay Chou kasi hindi lang ito love story. Ito ay isang pelikulang hitik sa effects. Ang setting ay ang lunsod ng Galilee at ang bida ay si Wax (Jay Chou). Kasama ng barkada nya, madalas silang tumambay sa botika ni Dr. Bo (Eric Tsang) at dito rin sila nag-aaral ng kung-fu.

Pagkagat ng dilim umuuwi ang barkada sa Rooftop. Kahit mahihirap, ang mga taong nakatira sa rooftop ay masayahin at madalas na kumakanta at sumasayaw. Ang bawat isa ay tinatrato bilang miyembro ng pamilya.

Nagbago ang takbo ng buhay ni Wax nang makilala niya si Starling (Li Xinai) na galing sa Tsina. Si Starling ay napilitang pumasok sa entertainment business dahil sa sugarol niyang tatay (Chung Chun-to).

Nagkamabutihan sina Wax at Starling pero di nagtagal ang mala-fairytale nilang love story. Naging karibal ni Wax ang sikat na movie star na si William (Darren) na nain-love rin kay Starling. Umikot ang istorya sa pagligtas kay Starlight sa mga mobsters at sa kamay ng mga nais mag-samantala sa babaeng bida.

Si Jay Chou ay credited bilang director, scriptwriter, actor at songwriter. Kung visuals ang pag-uusapan hitik na hitik ang pelikulang ito sa mga eksenang parang galing sa fairy tale na retro ang treatment kumpleto may vintage cars, disco colors at ang hippie-inspired na pananamit. Malaki ang ambag dito ng sikat an cinematographer na si Mark Lee at award-winning na costume designer na si Wu Lilu.

Kapag pinanood ang Rooftop ang atmosphere nito ay masayang fantasy na pelikula tulad ng napaka liwanag na neon lights ng botika ni Dr. Bo. Napaka romantic din ng setting sa rooftop na halos kapareho ng pakiramdam ng Moulin Rouge. Nakakabilib ang set na likha ng kilalang art director na si Akatsuka Yoshihito na gumawa ng Kill Bill at Seediq Bale.

Isa sa kagiliw giliw na eksena ang night market kung saan namukadkad ang pagmamahalan nila Wax at Starling. Tila paraiso ito kung titingnan. Kaya di nagkulang si Jay Chou sa paglikha ng isang pelikulang puno ng audiovisual wonders na kinakailangan para maging matagumpay ang isang pelikulang may musical element.

Magaling din ang choreography ng pelikula. At enjoy ako sa panonood ng fight scene ni Jay Chou na dinaan sa sayaw at kung fu. Over-all ang Rooftop ay isang mahabang MTV na puno ng mga elemento na salamin sa husay ni Jay Chou bilang isang musical superstar. Para sa kanyang mga fans ito ay isang musical treat bagamat manipis ang storyline.

sina Wax (Jay Chou) at Starling (Li Xinai)

1 2
May Kinalamang Babasahin
mac
v Pink Lady: Lover Run 2013-09-27 16:25:54
v WHAT WOMEN WANT 2013-09-17 15:21:07
v LOVE ON THAT DAY 2013-09-03 10:41:08
v SAY YES 2013-08-13 18:40:51
v Love on Credit 2013-08-06 17:31:26
v TOGETHER 2013-07-30 16:31:48
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>