Dahil na rin po siguro sa napakabilis na pag-unlad ng Tsina, bihira na lamang ang mga taong nagsusuot ng ganitong kasuotan, lalo na iyong kasuotan ng mga Han.
Siguro, sa ilang mga pagtitipon at pormal na aktibidad, mayroong mga minoryang Tsino ang nagsusuot ng kanilang tradisyonal na kasuotan, pero, para sa mga Han, bihira po ang ganitong pangyayari.
Kung ikukumpara sa atin sa Pilipinas, wala sigurong nagsusuot ng Barong Tagalog o Baro't Saya sa normal na situwasyon o kapag namamasyal. Tuwing may kasalan o epesyal na okasyon lamang natin isinusot ang mga ganitong kasuotan.
Katulad ng mga Pilipino, ang mga Tsino po ay nauuri sa 56 na etnikong grupo, kabilang dito ang Zhuang, Manchu, Mongol, Kirgiz, Uyghur, Kazak, Chosen (Korean), Lisu, Hui, Tibetan, Miao, Yao, Yi, Han, at iba pa.
Sa mga ito, ang Han ang pinakamarami at sila ang bumubuo sa mayorya ng populasyon, mahigit 91 porsiyento.
1 2 3