|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Daughters of St. Paul magdaraos ng anibersaryo sa Linggo

MGA MADRE NG DAUGHTERS OF ST. PAUL SA KANILANG KONSIYERTO. Makikita ang mga madreng nakatalaga sa iba't ibang lalawigan ng Pilipinas sa kanilang konsiyerto, bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng kongregasyon sa Pilipinas. (Sr. Pinky Barrientos, FSP)
MAGDIRIWANG ng kanilang ika-75 taong pagkakatatag sa Pilipinas ang Congregation of the Daughters of St. Paul sa darating na Linggo, ika-13 ng Oktubre.
May temang "Celebrating fidelity, counting blessings, reinvigorating service," isang okasyon ito upang magbalik-tanaw sa pagkakatatag ng kongregasyon sa bansa noong 1938.
Si Arsobispo Jose S. Palma, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mamumuno sa Misa ng Pasasalamat sa ganap na ika-siyam ng umaga sa Queen of Apostles Sanctuary sa Pasay City.
Kabilang sa pagdiriwang ang pagtatanghal ng pelikula sa kasaysayan ng kongregasyon sa nakalipas na 75 taon, isang konsiyerto at isang telefest.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |