Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

One Night Surprise

(GMT+08:00) 2013-10-17 17:50:17       CRI

Kawili-wili ang kuwento ng One Night Suprise. Si Michelle, isang makabago, maganda, independent, at fashionable city girl. Ang lakas ng tiwala niya sa pamumuhay niya. Pero, sa celebration ng kanyang 32nd birthday, nalasing siya nang todo at pagkaraan nito siya ay nabuntis. Pero, hindi niya alam kung sino ang tatay ng kanyang baby.

Dahil 32 taong gulang na si Michelle, sinabi ng Doctor na kung mawawala ang baby na ito, mahiarap na para sa kanya ang magbuntis uli. Pero, kung itutuloy naman ni Michelle ang pagbubuntis, mahaharap naman siya sa maraming problema: mga pregnancy reaction, paanong ililihim sa kanyang pamilya, puwedeng matanggal sa trabaho, at ang pinakamahirap sa lahat ay ang paghahanap ng tatay ng baby.

Around Michelle, may 2 male leading roles, na posibleng tatay ng baby: si Bill Zhou, 38 taong gulang, boss niya, a "perfect man". A rich gentleman. Guwapo. Mahal siya ni Michelle, pero, nag-asawa siya. Another one, si Tony, 26 taong gulang. Si Michelle ang boss niya. Ang big boy na ito ay na- in love kay Michelle.

Maraming tanong sa kuwentong ito: Sino ang tatay ng baby? Sino ang "Mr.Right" ni Michelle? Mag-aasawa ba o hindi si Michelle? Palalakihin ba ni Michelle ang baby o hindi?....At ang mga tanong ay problema na suddenly nagpainog sa pamumuhay ni Michelle. Kailangan niyang lutasin ang lahat ng mga problemang ito na dumating sa kanyang buhay.

Star-studded ang "One Night Surpise." Si Fan Bingbing ang gumanap ng papel ni Michelle. Popular na popular si Fan Bingbing sa mga manonood. Siya ay isang super star. Kilala siya dahil sa kanyang kagandahan, at sa pelikulang ito, nagsuot siya ng iba't ibang fashionable na damit. Napakaganda niya at ang kagandahan niya ay nakatawag ng pansin ng maraming manonood.

Well, para maitugma sa magandang female leading role, guwapong guwapo ang dalawang male leading roles. Si Daniel Henry, hybrid male star, ay gumanap ng papel ni Bill. Siya ay model ng maraming famous brand na tuald ng Gucci.

At si Aarif Rahman ay gumanap ng papel ni Tony, ibang male leading role. Siya ay kabataan, at new star siya sa musika. Inawit niya ang theme song ng pelikulang ito.

Ipinalabas ang pelikulang ito noong nakaraang buwan, sa QiXi, o tradisyonal na Chinese Valentine's Day. Dahil sa kawili wiling kuwento at kagandahan ng 3 leading role, ang box office ng pelikulang ito ay umabot sa 200 milyong yuan RMB.

Si Fan Bingbing

Si Aarif Rahman

Si Daniel Henry

 

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>