Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, malaki ang nagawa sa larangan ng reporma

(GMT+08:00) 2013-10-29 18:56:07       CRI

Pilipinas, malaki ang nagawa sa larangan ng reporma

MASAYANG ibinalita ni G. Motoo Konishi, ang Philippine Country Director ng World Bank, na malaki ang nagawa ng Pilipinas sa mga nakalipas na taon kung repormang naipatupad at ang bunga'y nadarama ng karamihan.

Tumaas umano ang Pilipinas ng 30 puntos mula sa ika-138 at natungo sa ika-108 sa alinmang bansa mula sa 189 na ekonomiya na sinusukat ng palatuntunang inilunsad na "Doing Business 2014." Ito umano ang pinakamalaking nagawa ng Pilipinas mula ng magsimula ang report may 11 taon na ang nakalilipas.

Naganap umano ito sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor. Malaking tulong din ang nagawa ng National Competitiveness Council upang magsama-sama ang mga tanggapan ng pambansa at pang-lokal na pamahalaan na ipatupad ang kailangang mga reporma.

Niliwanag din ni G. Konishi na kailangan ng Pilipinas na magkaroon ng 10 milyong bagong trabaho sa bawat taon. Ngayon ay katatagpuan ang Pilipinas ng higit sa 95% mga manggagawa sa bansa ang self-employed o sangkot sa micro, small at medium enterprises.

Karamihan ng mga manggagawang ito ang nasa maliliit na mga kumpanya kaya't kailangang magkaroon ng magandang kapaligiran upang magkaroon ng dagdag na hanapbuhay sa bansa. Binanggit din ni G. Konishi na kailangang isaayos ang mga sistema sa permiso at mga lisensya upang hindi na mahirapan ang mga mangangangalakal. Kailangan din ang pagiging maliwanag ng mga regulasyong ito.

Umaasa si G. Konishi na magpapatuloy ang mga repormang ipinatutupad ng pamahalaan.

Inihambing niya ang Malaysia na mayroong anim na araw at tatlong hakbang na kailangan upang magrehistro ng negosyo. Sa Pilipinas ay may 15 hakbang at 35 araw. Nararapat na ring baguhin ang pagpapalit ng mga resibong papel at mga minamarkahang mga aklat sa panahon ng computers.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>