Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino: Hindi ako nagnakaw!

(GMT+08:00) 2013-10-31 16:54:37       CRI
NANINIWALA si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kagagawan ng mga akusado sa isyu ng pork barrel ang nasa likod ng paninira sa kanya sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa isang pambansang pahayag sa lahat ng himpilan ng telebisyon kagabing ikapito at apatnapu't lima ng gabi, binigyang diin ni Pangulong Aquino na pagnanakaw ang tunay na ugat ng isyu sapagkat pinipilit umanong tabunan ang mga katiwaliang nadiskubre kamakailan.

Malaki umano ang kanilang pagkakaiba sapagkat hindi nagnakaw ang kasalukuyang administrasyon at sila ang nasa likod ng pag-uusig sa mga magnanakaw. Pawang mga taong may integridad ang nasa puesto na tumutupad sa mga sinumpaang tungkulin. Ito raw ay kinabibilangan ng liderato ng Commission on Audit.

Pilit na ipinagtanggol ni Pangulong Aquino ang kanyang Development Assistance Fund na hinihiling ng mga mamamayan na kinabibilangan ng mga netizen na alisin na rin tulad ng kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador at kongresista.

Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na ang DAP ay nagmula sa mga salaping natipid at nalikom na kita ng gobyerno. Kabilang sa pinag-ugatan ng DAP ang maganda at masigasig na pagsingil ng buwis at kinita ng mga government-owned and controlled corporation. Inihalimbawa niya ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System na ngayo'y nagbibigay na ng dibidendo.

Nagmula rin da rang DAP sa mga ahensyang hindi nakasunod sa timetable ng mga proyektong kaya't hindi na nagastusan.

Sa kanyang 12-minutong talumpati, wala siyang pinangalanang nasa likod ng pagsasabwatan at wala rin siyang binanggit na naparusahan sa mga ahensyang hindi nakapagpatupad ng mga proyekto ayon sa takdang panahon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>