Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nakiusap sa madla, nagpasalamat sa international community

(GMT+08:00) 2013-11-11 19:07:51       CRI

MAGHINTAY MUNA TAYO NG OFFICIAL REPORTS.  Nanawagan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa madla na maging mahinahon.  Wala pa umanong balitang nakakarating sa kanyang tanggapan na aabot sa 10,000 ang nasawi sa hagupit ni "Yolanda" o "Haiyan" noong Biyernes.  (Melo M. Acuna)

NAKIUSAP si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa madla na maging mahinahon sa likod ng mga balitang lumabas na aabot sa sampung libo katao ang nasawi sa paghagupit ni "Yolanda" na may international name na "Haiyan."

Sa isang "ambush interview" kagabi matapos ang isang oras na closed-door meeting sa National Disaster Risk Reduction Management Council sa Campo Aquinaldo, wala umanong balitang nakarating sa kanyang tanggapan na nagsasabing aabot sa sampung libo ang nasawi. Nanawagan siya sa mga mamamahayag na bawasan na ang pangamba ng mga mamamayan na may mga kamag-anak na naging biktima ng bagyo.

Ani Pangulong Aquino: "Huwag na nating dagdagan ang pangamba ng mga mamamayan sa pagpapalaki ng bilang at hintayin na muna ang kumpirmasyon ng mga pamahalaang lokal at iba pang pinagmumulan ng impormasyon."

Hiniling na umano ng ng pamahalaang-lokal ng Tacloban sa pamahalaang-pambansa na mangasiwa na sa kanilang lungsod sapagkat ang mga tauhan nila'y hindi pumapasok dahilan sa tinamaan na rin ng bagyo. Kulang umano sa sampung porsiyento ng mga kawani ang nagtutungo sa kanilang trabaho. Lahat umano ng mga tanggapan sa local government unit ay nagkakaroon ng reconstitution upang matugunan ang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan ng pook.

Nabalitang nagkaroon ng looting sa mga supermarket at kaninang umaga nama'y pati mga automated teller machines ay pinagnakawan na. Pangangasiwaan na rin ang paglilinis at pamamahagi ng pagkain, tubig at iba pa hanggang sa makaya na ng pamahalaang-lungsod ang kanilang mga gawain.

Maaaring magdeklara ng state of emergency sa pook at ito'y pinag-aaralan ng mga dalubhasa sa batas. Mayroong probisyon sa batas na nagbuo ng National Disaster Risk Reduction Management Council na mangangasiwa ang pamahalaang pangbansa sa oras na hindi na kaya ng pamahalaang lokal. Ipinarating na ang kahilingan mula sa punong-lungsod at pangalawang-punong lungsod at magsasagawa na ng mga resolusyon na kailangang sang-ayunan ng NDRRMC. May mga hakbang na susundin ayon sa batas, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Isang truck ng Philippine Red Cross ang naging biktima ng pagnanakaw matapos paligiran ng mga mamamayan ang kargamento sa national highway ng Tanauan. Leyte. Magpapadala umano ang pamahalaan ng 300 mga kabilang sa Special Action Force na mayroong armored personnel carriers upang magpatrolya sa lungsod.

Nagpasalamat din si Pangulong Aquino sa international community sa pagpapadala ng tulong at pagpaparating ng mensahe ng pakikiisa. Kagabi umano ay nakausap na niya sa British Prime Minister David Cameron na nagsabing may sapat na salapi na naipon at mga dalubhasang magsusuri at tutulong sa mga Pilipino. Nagparating na rin ng mensahe ng pakikiisa ang Indonesia sa pamamagitan ng kanilang foreign minister.

Tumutulong na rin ang European Union samantalang magpapala ng mga sasakyan ang United States Navy at Air Force. Nag-alok na rin umano ang Singapore ng kanilang mga helicopter na magagamit.

Kabilang sa kanyang pinasalamatan ang New Zealand na magtatayo ng isang field hospital.

Sa larangan ng komunikasyon, sinabi ni Pangulong Aquino na nakabalik na ang ilang bahagi ng service areas ng Smart at Globe Telecom. May libreng tawag na rin para sa mga mamamayan. Pakiki-usapan nila ang Commission on Elections na ipagamit ng isang bahagi ng ari-arian sa mga biktima ng bagyo.

Ayon sa pinaka-huling tala ng NDRRMC, 255 na ang nasawi, 71 ang nasugatan at samantalang 38 katao ang nawawala.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>