Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga 11.5 milyong Pilipino, apektado ni Haiyan (Yolanda)

(GMT+08:00) 2013-11-18 19:35:55       CRI

UMABOT na sa 11.5 milyong Pilipino ang apektado ng bagyong "Yolanda." Sa pinakahulaing pagtataya ng pamahalaan, nabanggit din na mayroong apat na milyong mamamayan ang nawalan ng tahanan at may 350,000 mga mamamayan ang naninirahan sa 1,560 evacuation centers. May 2.5 milyong Pilipino ang nangangailangan ng pagkain.

Ito ang nilalaman ng pinakahuling update ng Office of the Coordinator for Humanitarian Affairs ng United Nations na inilabas ngayong araw ng Lunes. Tinataya ng mga kabalikat ng pamahalaan na may 814,000 katao, karamiha'y nasa Leyte Province, ang nakatanggap na ng relief goods.

Sa Lungsod ng Tacloban, may tubig na para sa 80% ng mga mamamayan (276,400) sapagkat naayos na ang water treatment plant.

Isang nakalulungkot ng situwasyon ang pagkakasama ng 46% ng mga health facilities sa apat na nasuring rehiyon ang hindi magamit samantalang 628 mga paaralan ang napinsala at mayroon namang 893 mga paaralan ang evacuation centers ngayon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Center, 3,976 na ang nasawi, 18,175 ang nasugatan at may 1,598 ang nawawala hanggang kaninang ika-anim ng umaga.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>