|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Industriya ng pagmimina, nasa alanganing katayuan
SA industriyang inaasahan ng may 200,000 katao sa large-scale mining, mapapalagay sa alanganin ang kanilang katayuan kung hindi kikilos ang pamahalaan upang maliwanag ang mga isyung humahadlang sa pagkakaroon ng maraming minahan sa bansa.
Ito ang pananaw ni Engr. Louie Sarmiento, pangulo ng Philippine Mine Safety and Environment Association. Sinabi niya sa isang mining project, sa Tampakan sa South Cotabato, umatras na ang dating may hawak ng proyekto at ang bagong may-ari ay nasa isailalim na lang sa "care and maintenance" lamang samantalang hindi pa nalulutas ang problema dulot ng ban ng pamahalaang panglalawigan.
Walang exploration projects ngayon na makararating sa paggawa ng feasibility studies sapagkat wala pang go-signal mula sa pamahalaan. Ikinalungkot din ni Engr. Sarmiento na walang kinatawan ang industriya tulad ng PMSEA at Chamber of Mines sa pagbabalik-aral ng kalakaran sa ilalim ng Executive Order No. 79 at sa implementing rules and regulations na inilabas noong Oktubre 2012.
Isang ikinababahala ng industriya sa larangan ng large-scale mining ay ang mabagal na proseso ng mga papeles mula sa prospecting, exploration bago makarating sa processing, may requirements sa komunidad at iba pa. Ang small-scale mining ay hindi na nangangailangan ng feasibility studies.
May posibilidad na maging "sunset industry" ang minahan kung hindi tutulungan ng pamahalaan. Dapat magkaroon ng "second look" ang gobyerno sa pagtatapos ng bagyong "Yolanda" na puminsala sa mga pananim.
Ang pagmimina ay nararapat kilalaning alternatibo sa pagsasaka. Ang problema sa small-scale mining ay hindi natututukan ng local government units ang gawi at galaw ng mga nasa likod nito.
Ani Engr. Sarmiento, na sa 4,000 na ang mga mining engineer sa Pilipinas mula ng magkalis3nsya ang mga enhinyero noong 1937, Ngayon ay ligtas na masasabing mayroong 2,000 mga mining engineer at may 1,000 sa kanila ang nasa Pilipinas. Kailangan din umano ng industriya ng mga geologists na unti-unti ng nawawala ngayon.
Mabuti na lamang at muling nagbukas ang Mining Engineering ang St. Louis University sa Baguio City samantalang mayroon din sa University of Southern Philippines sa Davao at sa St. Paul University sa Surigao City.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |