|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong sugo ng America, dumating na sa Pilipinas kagabi
NASA Maynila na si Ambassador-Designate Philip S. Goldberg na dumating maghahatinggabi kagabi. Nakapanumpa na siya kay Secretary of State John Kerry noong ika-21 ng Nobyembre.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, mula Hunyo ng 2010 ay naglingkod siya bilang Assistant Secretary of State for the Brueau of Intelligence and Research. Naglingkod din siya bilang Coordinator sa pagpapatupad ng UN Security Council Resolution 1874 sa Hilagang Korea.
Naglingkod din siya bilang Ambassador sa Bolivia hanggang 2008 at Chief of Mission sa Pristina, Kosovo hanggang 2006 at Deputy Chief of Mission sa Embahada ng America sa Santiago, Chile hanggang 2004.
Marami na umano siyang kaibigang mga Pilipino sa kanyang mga pinaglingkurang bansa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |