|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga kinatawan ng iba't bansa, nagsama-sama para sa 2nd Asia Regional Meeting para sa Arms Trade Treaty
NAGSIMULA ngayong araw na ito ang pagtitipon ng mga senior level representatives ng mga bansang nasa Asia para sa Second Asia Regional Meeting to Facilitate Dialogue on the Arms Trade Treaty.
Ang pulong ay itinataguyod ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng United Nations Regional Center for Peace and Disarmament in Asia and the Pacific. Unang ginanap ang dalawang araw na pulong sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Pebrero 2013.
Layunin ng pulong ang pagsusulong ng pagkakaroon ng malawakang suporta at pagpapatupad ng Arms Trade Treaty.
Ang Arms Trade Treaty na nagpapatupad ng regulasyon sa pandaigdigang kalakal ng mga sandata ay binuksan na para sa paglagda ng mga bansa noong ikatatlo ng Hunyo, 2013. Hanggang ngayon ay mayroon ng 114 bansa ang lumagda sa kasunduan at may walong bansa na ang nagpasa nito sa kani-kanilang kongreso.
Matutupad ang tratado sa oras na magkaroon ng 50 bansang magpapasa nito sa kanilang mga assemblea o parliament. Lumagda na ang Pilipinas sa ATT noong ika-25 ng Setyembre 2013 sa UN Treaties Event sa ika-68 United Nations General Assembly.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnyanang Panglabas na ang ATT ang kauna-unahang pandaigdigang tratado na nagtatatag ng kalakaran na pipigil sa illicit transfer ng conventional weapons na gumagalang sa mga probisyon ng international human rights law at international humanitarian law.
Mga Pilipino sa Taiwan, tumulong sa mga biktima ng lindol at bagyo
MGA PILIPINO SA TAIWAN, TUMULONG DIN. Makikita sa larawan si Taichung Bishop Martin Su Yao-wen kasama ang mga Pilipinong nag-volunteer sa paglikom ng salapi at kagamitan para sa mga nabiktima ng lindol sa Bohol at bagyo sa Eastern Samar. (Fr. Loloy Napiere, MSP)
UMABOT SA 68 TONELADA ANG RELIEF GOODS. Malalaking trak ang kinargahan ng mga kagamitang ipinadala sa Bohol at Eastern Visayas ng mga Pilipino at Taiwanes. Tumulong din sila sa mga nasalanta ng magkasunod na kalamidad sa Kabisayaan. (Fr. Loloy Napiere, MSP)
OBISPO NG TAICHUNG, PINAMUNUAN ANG FUND AT RELIEF CAMPAIGN. Sa pakikipagtulungan sa Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Chinese Regional Bishops Conference, maraming makikinabang na mga taga-Eastern Samar at Bohol. (Fr. Loloy Napiere, MSP)
SA pamumuno ng Mission Society of the Philippines Taiwan District at kasama ang Diocese of Taichung, nakalikom sila ng salapi at relief goods na umabot sa 68 tonelada para sa mga Diocese of Borongan na nagkakahalaga ng may P 1 milyon. Nakalikom din sila ng may P 3 milyon para sa rehabilitation projects ng pook. Dinala ng Taiwanese Navy and relief goods sa Cebu at inihatid sa Borongan sa pamamagitan ng C-130 ng Philippine Air Force.
Ayon kay Fr. Loloy Napiere ng Mission Society of the Philippines, nagpadala rin ang Obispo ng Taichung, Bishop Martin Su Yao-wen ng US $ 30,000 para sa Diocese of Borongan at karagdagang US $ 30,000 para naman sa Parokya ng Santa Cruz sa Maribojoc, Bohol para sa rehabilitasyon ng bayan at pag-aayos ng simbahan na napinsala ng lindol.
Ayon kay Fr. Napiere ng Mission Society of the Philippines at Executive Secretary ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant people ng Chinese Regional Bishops Conference, kahit na mayroong mga 'di pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan, ang mga taga-Taiwan at mga Pilipinong manggagawa ay nagkaisang tumulong sa mga biktima ng magkasunod na kalamidad.
Ang Taiwan ang isa sa mga naunang tumugon sa pangangailangan mula noong ika-walo ng Nobyembre sa pagkakaroon gn 18 biyahe ng kanilang C-130 cargo planes na nagdala ng may 150 tonelada ng relief supplies.
Idinagdag pa ni Fr. Napiere na mayroong barko ng Taiwanese Navy na patungo sa Cebu na maydalang relief goods na nagmula sa Taichung at iba pang bahagi ng Taiwan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |