Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Buhay sa Silangang Kabisayaan, unti-unting bumabalik sa normal

(GMT+08:00) 2013-12-09 17:48:44       CRI

ISANG buwan matapos manalasa si "Yolanda" sa Central Philippines ay napupuna na ang pagbabago sa pagbubukas na muli ng paliparan, pagkakaroon ng gasolina at krudo, may tubig na dumadaloy sa mga tubo at nakatatanggap na ng pagkain ang mga biktima. Ito ang sinabi ni Luiza Carvalho, ang Resident at Humanitarian Coordinator sa Pilipinas na dumalaw kahapon sa Tacloban City.

Ang United Nations at mga kabalikat na ahensya ay nakapaglingkod na sa may tatlong milyong mamamayan sa pamamagitan ng mga pagkaing ipinamahagi. Higit na rin sa 20,000 pamilya ang nakatanggap na binhi na itatanim sa kanilang mga palayan. Sa susunod na anim na buwan, higit sa 100,000 mga kabataan hanggang dalawang taong gulang at mga nagdadalang-tao at mga bagong ina ang tutulungan sa pamamagitan ng feeding programs.

Mayroong 25 medical teams na naglingkod sa 25 mga bayan at may mga palatuntunang inilunsad upang ipatupad ang cash-for-work upang mapasiglang-muli ang ekonomiya. Prayoridad pa rin nila ang pabahay at pagkakakitaan upang mabalik sa normal ang buhay ng mga biktima. Kailangan ng apat na milyong pirasong yero para sa pabahay. Kailangan din ang tulong ng mga magsasaka at mangingisda, dagdag pa ni Bb. Carvalho.

Kilala ang mga Pilipino sa katatagan. Kailangang makita ng daigdig ang nagaganap sa Tacloban City at kung paano, kahit na lubhang napinsala ng bagyo, ito nakababalik sa normal.

Ipinangako pa niya na sa pakikipagtulungan sa pamahalaan na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng hanapbuhay at pabahay sa mga taong nawalan ng tahanan.

Isang malaking hamon pa rin ang pagbubukas na muli ng napinsalang mga paaralan at mga gusali ng pamahalaan upang makapaglingkod sa mga biktima sa mga susunod na panahon. Magpapatuloy ang kanilang pagtulong sa mga biktima hanggang sa 2014.

Ani Bb. Carvalho, nagpapasalamat siya sa international community sa pagpapatuloy ng tulong sa pamamagitan ng pagkain, malinis na tubig at pagkakaroon ng mga kagamitan para sa hanapbuhay at pagtatayong muli ng mga tahanan.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>