Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yoga for Charity

(GMT+08:00) 2013-12-12 16:36:45       CRI

Noon pong nakaraang linggo ay tumulak sa Maynila ang representante ng Serbisyo Filipino upang dalhin sa mga kinauukulan ang mga nakolektang pondo mula sa Dictionary for Charity at Charity Bazaar ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI). Ipinapanalangin at inaasahan po naming makakapagdulot ng pagbabago ang kaunting donasyong ito sa buhay ng mga nasalanta ng bagyo diyan sa Kabisayaan.

Bukod po sa CRI, mayroon ding ibang mga Pilipinong nag-organisa ng mga charity events sa Beijing, Shanghai, at Guangzhou upang matulungan ang ating mga kababayan.

Nariyan ang Portraits of Generosity ng Philippine Overseas Photographers Beijing (POP Beijing), kung saan ang mga donasyon ay ibabahagi naman sa Yellow Boat-Hope Foundation para tulungang makabangon muli ang mga mangingisdang mula sa Gitnang Visayas.

Nariyan din ang mga fund-raising events ng Philippine Musicians Association of Shanghai (PMAS), na nakalikom ng Php 560,000; "Bangon Pilipinas at Gawing Maningning ang Pasko" ng Filipino community ng Guangzhou na idinaos ng noong Disyembre 8, at marami pang iba.

Pero, alam po ba ninyo, hindi lang mga Pilipino ang abalang nangangalap ng pondo upang matulungan ang mga biktima ni Yolanda? Dito sa Beijing may isang Tsinong nag-organisa ng isang event na kung tawagin ay Yoga for Charity. Inimbitahan ni Victor Chau, tubong Hongkong ang lahat ng kanyang mga estudyante at kakilala upang gumawa ng event na makakatulong sa biktima ni Yolanda.

Siyempre, hindi po maaring palampasin ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST) ang pagkakataong makapanayam si Victor. Narito po at pakinggan natin ang kanyang tinig.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>