|
||||||||
|
||
Mga pari at layko, nagprotesta sa kakaibang paraan
NAGTIPON ang isang grupo ng mga pari, mga madre at layko, kasama ang mga kinatawan ng iba't ibang pananampalataya noong Lunes sa isang tinaguriang Nativity Protest kasabay ng panawagang alisin nang tuluyan ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund o PDAF na kilala rin sa pangalang pork barrel.
Isinabay sa unang araw ng Simbang Gabi, ang Nativity Walk ay nagdala ng mga paril na may mensaheng magbago at isaayos ang daan tungo sa maayos na pamamahala, katarungan at pananagutan. May mga mensahe rin para sa mga mamamayan na huwag mapapagod sa paglaban sa katiwalian.
Sinabi ni Fr. Ben Alforque, isa sa mga pasimuno ng Church People Alliance Against Pork Barrel, na hindi sila nagbabago sa kanilang panawagan na labanan ang pork barrel sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Idinagdag pa ni Fr. Alforque na nararapat ding magpasa ng batas ang Kongreso na mag-aalis sa Disbursement Acceleration Program.
Sinabayan nila ng pag-awit ng mga awiting pamasko ang kanilang paglalakad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |