Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

L for Love, L for Lies

(GMT+08:00) 2013-12-18 19:46:07       CRI

Si Patrick Kong ang writer-director ng mga hit romantic dramedies na Marriage with a Fool and Love is Not All Around. Malapit sa puso ng mga manonood ang kanyang mga pelikula kaya ito ay box office hit sa takilya.

Ayon sa mga write-ups tatak nya ang pagkakaroon na kagulat-gulat na twist sa dulo ng pelikula. Para sa ilang mga reviewers, ito ay isang matalinong paggamit ng medium ng pelikula, pero sabi naman ng iba kulang pa kanyang kakayahan at tsamba-tsamba lang na nagutuhan ito ng mga manonood.

At sa pelikulang L for Love, L for Lies mukhang kinagat ng masa sa Hong Kong ang istilong ito.

Mga problema sa relasyon ang tema ng L for Love, L for Lies. Ito'y ipinalabas noong 2008. Ang pelikula ay may maraming love triangles. At ang mga love triangle na ito ay kawing-kawing. Ang istorya ay kabit-kabit at may ugnayan na pwedeng sinadya ng writer-director na si Patrick Kong pero di naman malayo ang mga kwentong ito sa totoong buhay.

Unang kwento ay tampok sina Ah Bao (Stephy Tang) Ah Jun (Stephen Wong) na long-time steadies at ang mang-aagaw ng syotang si Kei Kei (Alice Tzeng).

Love story number 2: Nobyo ni Ah Fung (Terry Wu) si Ah Man (Leila Tong) isang control freak at verbally abusive na girlfriend. Lagi na lang sinasabi ni Ah Man na walang-kwentang tao si Ah Fung. Kaya naman nang mapuno pumayag siyang maging back-up boyfriend ni Ah Min (Miki Yeung) na may karelasyon sa mayamang negosyante.

At ang love story number 3 naman ay nabuo matapos kontratahin ni Ah Bao ang isang conman na si Ah Keung (Alex Fong) para maghiganti kay Kei Kei.

12008 Ginawa ang pelikula at ipinakita nito ang mga problema patungkol sa relasyon ng mga magnobyo at ang mga pananaw ng mga babae at lalaki hinggil sa pag-ibig. At bagamat ilang taon na ang lumipas wala namang nagbago sa mga universal truths na ipinakita ng pelikula.

Matapos panoorin ang pelikula mauunawaan ang ugnayan sa pagitan ng relasyon ng pag-mamahal (love) at kasinungalingan (lies). Mensahe ng pelikula ay kapag nagmahal ang isang tao pwede siyang masaktan. At pwede rin siyang baguhin ng pag-ibig na ito para mas maging mabuting tao. Dagdag na rin natin ang cliché na malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa iyo.

RATING : 8.5

Sina Ah Bao (Stephy Tang) at Ah Keung (Alex Fong)

1 2
May Kinalamang Babasahin
mac
v A Wedding Invitation 2013-12-11 16:53:23
v DEADLY DELICIOUS 2013-11-13 16:29:24
v FAKE FICTION 2013-11-08 17:20:51
v Yi Yi 2013-10-25 17:17:29
v One Night Surprise 2013-10-17 17:51:28
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>