Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim Petilla, magbibitiw na bukas

(GMT+08:00) 2013-12-26 15:33:55       CRI

Manggagawang mula Sudan, nakatakdang dumating ngayong gabi

LABING-ISANG manggagawang mga Pilipino na lumikas sa kaguluhan sa South Sudan ang nakatakdang dumating ngayong gabi.

Ayon kay Assistant Secretary Raul Hernandez, ang mga manggagawa ay mga enhinyero at field supervisors na tumakas mula sa South Sudan noong ika-22 ng Disyembre sakay ng isang US C-130 plane patungong Nairobi, Kenya.

Sinabi ni G. Hernandez an tuloy ang pagtulong ng mga tauhan ng embahada sa Nairobi sa mga Pilipinong nagnanais umalis ng South Sudan. Inaalam pa rin ang kinalalagyan at contact numbers ng iba pang mga manggagawang Pilipino, ayon sa tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.

Hiniling ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga manggagawang nasa South Sudan na sumailalim na sa voluntary repatriation matapos ideklara ang Alert Level 3 sa magulong bansa.

Ayon sa balita, libu-libo na ang nasawi sa South Sudan kasunod ng pagtatangkang agawin ng mga military ang poder kay Pangulong Salva Kiir Mayardit.

Idinagdag ni G. Hernandez na mayroon pang 31 mga Pilipinong nasa South Sudan samantalang ang iba pang mga manggagawang Pilipino ay lumikas na patungo sa ibang bansa.

May 15 mga OFW ang nasa Uganda at may 11 pang patungo Kampala. May 20 Filipino migrants ang nasa Kenya, apat ang nasa Khartoum sa Sudan at lima ang sakay ng eroplanong patungo sa Dubai.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>