Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Personal Tailor

(GMT+08:00) 2013-12-27 18:24:49       CRI

Panahon na naman para sa mga "Hesui Pian (贺岁片)", o sa Ingles ito ay "New Year's Celebration Films" dito sa Tsina.

At para sa fans ng hesuipian, alam na alam nilang ito ay isang genre na nakakabit sa pangalang Feng Xiaogang. At ngayong 2013 ay may bago pelikula ang sikat sa Chinese Director ito ang Personal Tailor na batay sa screenplay ni Wang Shuo.

Ayon sa website na china.org.cn ang komedi ni Feng Xiaogang na "Personal Tailor" ay kumita ng 80 million yuan (US$13.17 million) sa Chinese box offices sa opening day nitong noong nakaraang Thursday. Inaasahang maitatala ng pelikula ang pinakamataas na midnight grossing record maging ang pinatakamabentang 2D Chinese film sa unang araw ng pagbubukas. Ang "Personal Tailor" ay tinalo lang ng 3D movie ni Stephen Chow na "Journey to the West: Conquering the Demons," na kumita ng 85.4 million yuan (US$14 million).

Dagdag pa ng balitang ito na inaasahang aabot sa 300 million yuan (US$49.4 million) ang box office revenue nito sa opening week dahil ang mga sinehan ay nagdadagdag ng mga pagpapalabas dahil sa lumalaking demand. Ang pagtaya, ayon sa Huayi brothers ay aabot sa 1 billion yuan (US$164.7 million) ang kikitain ng pelikula sa kabuuan.

Ang Personal Tailor ay tungkol sa isang grupo ng ang trabaho ay iparanas sa isang tao ang pangarap o inaasam-asam nito sa buhay. Ito'y isinasagawa nila sa pamamagitan ng paglikha ng mga fake environments at scenarios. Ang motto nila ay "What you don't dare imagine, we dare to do."

Ito'y may tatlong segments. Ang una ay pinamagatang "Honest Instincts." Kwento ito ng isang driver papel ni Fan Wei, na ipinagmamaneho ang mga matataas na opisyal. Gusto niyang maging good politician, di tulad ng kanyang mga ex-boss na corrupt at nakakulong na sa kasalukuyan. Ang misyon: Bilang Bosing gusto niyang subukin kung kaya niyang tumanggi sa mga panunuhol ng grupo ni Yang (Ge You) Pero bumigay siya matapos ma-seduce ni Secretary Lu (Li Xiaolu).

Corruption ang pinuntirya ng bahaging ito ng pelikula at ito ay isang mainit na usapin sa lipunang Tsino.

Sa segment na "Bloody Vulgar," ito ay nagtampok sa isang blockbuster film director (Li Chengru) na gustong ipagpalit ang lahat ng kanyang natamong katanyagan para makamit ang "high art." Isyu kasi kung ano ang pipiliin kung kalidad ba o kita, kaya apektado ang pag-unlad ng mga pelikulang Tsino.

Ang ikatlong segment ay pinamagatang "Mo' Money" kung saan ipinakilala ang isang mahirap na babae (Song Dandan) at binigyan ng pagkakataong magbuhay mayaman sa loob ng isang araw. Ayon kay Yang hindi madaling maging bilyunaryo at kasing dami rin ng pera nito ang dami ng problema para mapanatili ang yaman niya.

Napaka "now" ng pelikula dahil dinaan nito sa patawa ang mga bagay na kinahuhumalingan ngayon ng mga Tsino tulad ng blogs, McMansions, paggamit ng smartphones at video mode nito pati ang sex ay napasadahan din.

Biglang naging siryoso ang tono sa dulo ng pelikula nang ituon nito ang pansin sa pagtanggap ng kamalian at pagpapakumbaba para humingi ng paunmanhin. Ang huling isyu ay nagtuon sa matinding problema ng polusyon sa Tsina.

May ilang kritiko ang pumuna sa pelikula. Sabi ng isa ito'y isang napaka commercial na pelikula at di nito iginalang ang mga manonood. May nagsabi rin na ito'y kumbinasyon ng mga TV comedy skits sa halip na isang matinong pelikula.

Sa isang interview sinabi ni Director Feng Xiaogang na "No matter if you rate it good or bad, you have shown concern for my film. Thank you anyway. A film is a commodity; as I dare sell it, I dare to let it be rated. I respect all comments and respect audiences' feelings."

RATING NG MGA MOVIE BUDDIES : Machelle 9, Andrea 8.5, Ernest 8.5

Si Ge You

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>