Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong taong gulang na bata, nasawi sa ligaw na bala; mga sugatan dahil sa paputok, halos 600 katao ang sugatan

(GMT+08:00) 2014-01-01 16:54:35       CRI

SA 22 mga napaulat na biktima ng ligaw na bala, nakasama ang isang tatlong-buwang sanggol na nasawi sa Ilocos Sur.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, namatay ang biktima samantalang ginagamot sa Gabriela Silang General Hospital.

Natutulog ang bata sa loob ng kanilang tahanan na marinig ng mga magulang na umiiyak. Natagpuan siyang duguan ng kanyang mga magulang na nagdala sa kanya sa pagamutan.

Idinagdag pa ni Sr. Supt. Mayor na may 21 pang iba ang nasugatan ng ligaw na bala.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, mas mababa ang bilang ng mga biktima ng ligaw na bala.

Napuna ng kinauukulan na tumaas ng 40% ang bilang ng mga nasugatan dala ng paputok kung ihahambing sa datos na natamo noong nakalipas na taon. Nagmula ang kanilang pagbibilang noong ika-21 ng Disyembre hanggang kagabi.

Ayon kay Undersecretary Ted Herbosa, hanggang kaninang ika-anim ng umaga, 599 ang nasugatan ng mga paputok. Sa bilang na ito, 143 ang mga bata na mula sampung taon pababa.

Tinanggap sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang pinakamaraming nasugatan dala ng paputok. Nagkaroon na ng 87 kaso ng fireworks-related injuries at mga tinamaan ng ligaw na bala.

Nangunang nakasugat ang ipinagbabawal na paputok na may pangalang piccolo. Siya, ang tinamaan ng ligaw na bala samantalang may isang batang nakalunok ng paputok,


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>